Balita

Indonesia, patataubin ng Gilas Pilipinas?

- Marivic Awitan

Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa FIBA Asia Qualifiers sa pagsagupa nito ngayong gabi kontra Indonesian national team sa Mahaka Arena sa Jakarta.

Umalis noong Biyernes ang Nationals patungong Indonesia para sa solong laro nila sa unang window ng qualifiers.

Bagamat optimistik­o sa kanilang tsansa, naniniwala si Gilas coach Mark Dickel na kailangan nilang maging maingat kontra Indons na nasa ilalim ngayon ng paggabay ni dating Team Philippine­s coach Rajko Toroman.

Umaasa naman si Dickel na malaki ang laban ng kanyang koponan na pinaghalon­g kabataan at karanasan tampok ang pitong PBA players at limang Gilas cadets.

Inaasahang mangunguna sa koponan ang mga beterano ng nakaraang FIBA Basketball World Cup na sina Kiefer Ravena, Troy Rosario, RR Pogoy at CJ Perez kasama ng tatlo pang PBA players na sina Poy Erram ng NLEX, Abu Tratter ng Alaska Milk at Justin Chua ng Phoenix Pulse para sa mga cadets na sina Isaac Go, Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, at Matt Nieto na bahagi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas' national team program para sa FIBA World Cup sa 2023.

Naniniwala rin si Dickel na mahirap kalaban ang Indonesia.

"They're really discipline­d, they're well-coached," ani Dickel.

"Although the Philippine­s at the SEA Games kinda beat them pretty easily in the times they played, I think at halftime it was pretty close so they've proven to be a tough opponent," dagdag nito.

Bukod dito, inaasahan ni Dickel na mas magiging agresibo sa kanilang laro ang mga Indons sa home turf nila.

"I anticipate the game really being difficult so we gotta play a good game. They're not going to give it to us."

 ??  ?? Kiefer
Kiefer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines