Pinoy Cupper, sabak sa Greece squad

Balita - - Libangan - Marivic Awitan

NAKATAKDAN­G mapasabak ang Pilipinas kontra sa mga itinuturin­g na ‘world class tennis players’ sa pagsagupa ng ating mga manlalaro kontra sa koponan ng Greece sa Davis Cup base sa ipinatutup­ad nitong bagong format simula ngayong 2020.

Sanhi ng bagong format, makakatung­gali ng mga Filipino netters ang mga Greeks na posibleng pangunahan ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas sa World Group II playoff sa unang linggo ng Marso sa clasy courts ng Philippine Columbian Associatio­n sa Plaza Dilao,Paco, Manila.

Sa unang pagkakatao­n pagkalipas ng 29 na taon ay muling lalaban ang mga

Pinoy netters sa isang non-Asian team mula noong 1991 nang lumaban ang ating koponan na pinangungu­nahan ni Felix Barrientos sa Sweden sa World Cup qualifier.

Sina Jeson Patrombon, Francis Casey Alcantara, AJ Lim o ang mga Fil-Ams na sina Ruben Gonzales at Treat Huey ang inaasahang magiging kinatawan ng bansa sa nasabing Davis Cup tie.

Sila ang may tsansang masagupa si Tsitsipas na umabot ng semifinals ng nakaraang taong Australian Open sakaling magdesisyo­n itong lumaro bago ang deadline sa Martes.

“We’re excited of the new format because our team will have an opportunit­y to play not just Asians but also other strong players in the world,” ayon kay Philippine non-playing captain Chris Cuarto.

Base sa bagong format, may kabuuang 12 home-and-away ties ang lalaruin sa World Group II kasabay ng World Qualifiers at World Group I playoffs.

Ang tatapos na top 12 sa World Group II playoffs ay uusad sa World Group II ties sa Setyembre kasama ng mga matatalo sa World Group I.

Ang mga matatalo naman dito ay bababa sa Regional Group III na idaraos sa Hunyo o Hulyo o kaya sa Setyembre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.