MARKADO!

Mark Bordeos ng Bicycology Shop-Army, wagi sa Stage 1 ng LBC Ronda

Balita - - Libangan -

SORSOGON— Inagaw ni Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang atensyon mula sa mga liyamadong riders, kabilang ang limang dating kampeon nang magtala ng kasaysayan bilang Stage 1 winner ng LBC Ronda Pilipinas 10th anniversar­y race kahapon dito.

Matikas na nakipagsab­ayan ang 24-anyos na Bordeos laban sa pinakamala­laking pangalan sa torneo, bago dumiskarte sa krusyal na sandali ng 129.5-kilometer Stage 1 at ungusan sina Jerry Aquino, Jr. ng Scratch It, Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippine­s at George Oconer ng Standard Insurance-Navy.

Magkakapar­eho ang tyempo na nakamit ng apat – tatlong oras, anim na minuto at pitong segundo – ngunit, nakamit ni Bordeos ang karapatan na maisuot ang ‘red jersey’ ang simbolo ng liderato sa pagsikad ng Stage 2 ngayon ng karera na inorganisa ng LBC, sa pakikipagt­ulungan ng Manny V. Pangilinan Foundation.

Nakataya sa torneo ang P1milyon para sa individual champion.

“Hindi na ako humiwalay sa peloton, sa last 500 meters hiniritan ko na, kayang-kaya naman sa pakiramdam ko dahil nasa kondisyon naman tayo,”

pahayag ni Bordeos, mula sa Laoac, Pangasinan.

Kabilang si Mark Galedo ng 7Eleven, ang 2012 champion at nagbabalik aksiyon matapos ang apat na taon, sa mga naunang sumirit sa unahan ng peloton, subalit hindi niya ito nasustinah­an tungo sa ikalimang puwesto sa tyempong 3:06:10.

“It would have been nice race if they had given their share but I was dishearten­ed that no one did so I just decided to just slow down a bit,” pahayag ng 34-anyos na si Galedo.

Tumapos naman si Jan Paul Morales ng Standard, target na maging unang rider na maging three-time winner dito, kasama sina Aiden James Mendoza, Marcelo Felipe at Mervin Corpuz at Celeste Cycling Team’s Alvin Benosa sa grupong may oras na 3:06:19.

Bumuntot sa ika-12 puwesto si Go for Gold’s Daniel Ven Carino at Jonel Carcueva sa tyempong 3:07:01.

Kasama naman ni 2018 champion Standard’s Ronald Oranza, sina 7Eleven’s Nichol Pareja sa No.16 (3:07:28), habang si Reimon Lapaza ng Celeste, ang 2014 titlist na nagsasagaw­a rin ng comeback, at pumasok sa Top 20 (3:07:32).

“Mark’s victory is the product of the entire team’s hard work and perseveran­ce. We knew this win was bound to happen, sooner or later. That it came right on the first day of the Ronda Pilipinas means more and bigger challenges ahead, because everyone will now set their eyes on us. It is now up to us how to respond,” pahayag ni Army-Bicycology Shop team manager former swimming champion Eric Buhain.

“That’s a very good start, and it’s proof that our team is ready to race.

But there is a lot of work ahead, we must keep our focus,” aniya.

Sa team race, nakamit ng Standard ang pangunguna tangan ang kabuuang oras na 12:24:55 kasunod ang 7Eleven at Celeste Cycles na may tyempong 12:27:26 at 12:27:35, ayon sa pagkakasun­od.

Ang 10-stage race ay suportado rin ng Versa, 8A Performanc­e, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEXSCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Target ni Bordeos na masundan ang panalo sa pagsikad ng 150.6km Sorsogon-Legazpi Stage 2 ngayon.

MARK MY WORD! Taas ang mga kamay na tinawid ni Mark Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang finish line para tanghaling Stage 1 winner ng 2020 LBC Ronda Pilipinas nitong Linggo sa Sorsogon, habang tinanggap ang premyo mula sa organizers (itaas) sa awarding ceremony.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.