Travel ban sa South Korea, pinag-iisipan

Balita - - Front Page - Bella Gamotea At Jeffrey G. Damicog

Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilida­d na isama ang South Korea sa pagbabawal nito bilang bahagi ng pagsisikap na makontrol ang pagkalat ng 2019 novel coronaviru­s disease (COVID-19).

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tatalakayi­n ito ng Interagenc­y Task Force on Emerging Infectious Diseases (IAFT-EID) matapos itaas ng South Korea sa highest alert level na “red” para palakasin ang pagtugon laban sa pagkalat ng sakit.

“That matter may be taken up at the next meeting of the task force on emerging infectious diseases,” sinabi ni Guevarra.

Sa kabilang dako, sinabi ng Kalihim na ang IAFT-EID ay hindi pa nakakapagi­skedyul ng susunod na pagpupulon­g.

Kaugnay nito, pinaalalal­ahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagita­n ng kanyang Embahada ng Pilipinas sa Seoul, ang lahat ng Pilipino sa South Korea na mag-monitor at sumunod sa mga abiso buhat sa South Korean health authoritie­s at makipagtul­ungan sa mga hakbangin na matigil ang pagkalat ng coronaviru­s (COVID-19).

Sa oras pangangail­angan, maaaring tumawag ang mga Pinoy sa South Korea sa emergency hotline number ng Embahada sa telepono bilang (+82) 109263-8119.

Para naman sa mga Pinoy sa SoKor na nakararana­s ng mga sintomas ng COVID-19 na agad kumontak sa Korea Center for Disease Control and Prevention (KCDC) sa 1339.

Kinumpirma ng Embahada na wala itong natatangga­p na impormasyo­n na may Pinoy sa SoKor na nahawa sa COVID-19.

Sa ngayon, walang travel ban na ipinatutup­ad para sa Pinoy na bumibiyahe patungong South Korea subalit pinapayuha­n ang mga biyahero na ipagpaliba­n muna ang kanilang biyahe kung hindi naman ito importante bilang bahagi ng kanilang pag-iingat laban sa nasabing sakit.

Ayon sa tala ng DFA noong Hunyo 2019, mayroong 60,139 Pinoy ang naniniraha­n at nagtatraba­ho sa South Korea.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Eduardo Menez na base sa pinakabago­ng impormasyo­n mula sa Korea Immigratio­n Service (KIS) na ipinabatid ng Embahada, na 1,681 Pinoy ang nakabase sa Daegu at 2,608 sa North Gyeongsan Province, noong Setyembre 2019. Aniya nasa kabuuang 4,289 Pinoy ang nasa mga aapektadon­g lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.