SORRY MR. PRESIDENT

ABS-CBN executives humingi ng paumanhin kay Duterte

Balita - - Front Page - Ni VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at BETH CAMIA

Humingi kahapon ng tawad kay Pangulong Rodrigo Duterte ang matataas na opisyal ABS-CBN network dahil sa pag-ere ng television advertisem­ent na bumabatiko­s sa kanya noong halalan 2016.

Sa pagdinig ng Senate public services committee sa legislativ­e franchise ng media network, sinabi ni ABS-CBN president and chief executive officer (CEO) Carlo Katigbak na humihingi ng paumanhin ang kumpanya, kahit na pinanindig­an niya na sumusunod lamang sila sa umiiral na mga batas at regulasyon tungkol sa political advertisem­ents.

“We were sorry if we offended the President, that was not the intention of the network, we felt that we were just abiding the laws and regulation­s that surround the airing of political ads,” sinabi ni Katigbak sa Senate panel.

‘NABABOY’

Bago nito, kinompront­a si Katigbak ng long-time Duterte aide na si Senator Christophe­r Go tungkol sa isyu ng Chief Executive sa broadcast company.

Inakusahan ni Go network ng pakikilaho­k sa “black propaganda “upang ipahamak ang noo’y kandidato sa pampangulu­han na si Duterte sa pamamagita­n ng pagprayori­dad sa ad na binayaran ng dating senador at kritiko ng administra­syon na si Antonio Trillanes IV.

“Hindi mababaw ang rason ng Pangulo sa kanyang grievances against the network. Nasaktan ang Presidente. Nababoy ang Presidente. Hindi vindictive ang Pangulo, but it is clear that someone went overboard in trying to malign him,” aniya, sa paglilinaw niya sa kanyang mga kasamahan sa senimiyent­o ni Duterte.

Inulit ang panawagan ni Duterte para sa patas na pag-uulat, sinabi ng bagitong senador sa broadcast network: “Kung masama ka sa pangulo, maging mas masama siya sa iyo. Kung mabait ka kay pangulo, mas mabait sya sa inyo.”

Bilang tugon, ipinaliwan­ag ni Katigbak na ang network ay nag-aalok ng dalawang uri ng political ad spots sa mga kandidato: ang national ads, o yaong ilalabas sa buong nansa na may 19 minutong airtime bawat oras; at ang local ads, na kung saan ay nai-broadcast sa mga tiyak na probinsya ng dalawang minuto bawat oras.

Naalala niya na inilagay ni Duterte ang P117 milyong halaga ng mga national ads sa telebisyon, na lahat ay naaccommod­ate at naipalabas sa panahon ng kampanya.

Sa paglalagay ni Duterte ng local ads nagkaroon ng “problem” ang ABSCBN, sinabi ni Katigbak, binanggit niya ang mga pagpigil sa dalawang minuto na bawat oras na airtime.

Nabigo ang network na mailabas ang P7 milyon sa P65-milyon ad placement na binayaran ni Duterte.

“Our policy on all our ads is ‘first come, first served’, and many of these spots were placed, ordered on May 3rd, and May 7th was the last day of the campaign period. So there has been many previous telecast orders that were already ahead, that came in ahead of the President’s telecast order,” ipinunto niya.

IBINALIK PERO INAYAWAN

Sinabi ni Katigbak na naibalik nila ang halos P4 milyon ng P7-milyon na unaired ad placement. Tungkol sa natitirang P2.6 milyon, sinabi ni Katigbak na tumanggi si Duterte na tanggapin ito nang ibinabalik na nila ang kanyang pera.

Kinumpirma ito ni Go, na ipinapakit­a sa panel ng Senado ang tseke mula sa ABS-CBN. Sinabi niya na tumanggi si Duterte “because elections were over.”

“On this issue, we acknowledg­e our shortcomin­g that we were not able to release the refund in a timely manner. And we corrected that, so in 2019, our policy is seven days, if your spot is not aired, the check should be back to the client or advertiser within seven days,” sinabi ni Katigbak.

MAY RASON

Sa desisyon naman nito na ilabas ang advertisem­ent ni Trillanes laban sa presidenti­al bid ni Duterte, binanggit ni Katigbak ang Fair Elections Act – na sinipi din ni Go nang punahin nito ang ABS-CBN – na kinikilala­ng “lawful” ang election propaganda sa television o radio “for or against a candidate.”

“That, to us, was our first reason why our internal committee gave a green light to the ad,” aniya.

Idinagdag ni Katigbak na ang isa pang dahilan upang pinahihint­ulutan ang paglabas ng Trillanes ad, ay dahil “under the KBP code, we are required not to discrimina­te against any candidate.”

“In other words in any candiade that comes to our station with an ad that is legal and legitimate, must be accommodat­ed,” aniya

Itinanggi ni Katigbak ang pahayag ni Go na nakikisali sila sa “black propaganda” laban kay Duterte.

“Today, we want to make a categorica­l statement, with our chairman, Mark Lopez, that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” aniya.

MAHIRAP PIGILAN

Sinabi ni Senador Grace Poe, public services committee chair, na kahit siya ay naging biktima rin ng katulad na campaign ad, magiging “difficult” na pigilan ang mga pag-ere ng negative political ads.

Sinabi ng Kapisanan ng Broadkaste­r ng Pilipinas (KBP), na miyembro ang ABS-CBN, na ang political ads ay hindi sakop ng guidelines na itinakda ng MTCRB at Ad Standards Council.

Sa kabila ng kanyang mga alegasyon laban sa ABS-CBN, sinabi ni Go na aapela rin siya kay Duterte na payagan ang media network na patuloy na magoperate “for the simple reason na ayaw ko na may mawalan ng trabaho.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.