Nakaposas na bangkay, itinapon sa Caloocan

Balita - - News - Orly L. Barcala

Isang bangkay ng lalaking nakaposas ang natagpuan ng mga residente sa isang bakanteng lote sa Caloocan City nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, bandang11:00 ng gabi nang makita ang bangkay sa isang damuhan sa Barangay 171, Bagumbong, North, Caloocan City. May mga tama ito ng bala ng baril sa ulo at katawan. Nakadapa ang posisyon at nakaposas ang mga kamay sa likurang bahagi, at nakuha ang isang plastic sachet ng hinihinala­ng shabu at tinabunan ng itim na jacket. Walang identifica­tion card ang lalaki na tinatayang nasa edad 30-40 anyo, naka-puting t-shirt at asul na short.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng apat na sunud-sunod na putok ng baril at nakita ang dalawang lalaki na nakatakip ang mga mukha at magka-angkas sa motorsiklo na lumalabas ng gate sa lugar matapos ang putukan.

Pahirapan ang pag-monitor sa mga pumapasok sa subdivisio­n lalo’t tagusan ito ng mga patungo sa Bagong Silang sa Novaliches at Meycauayan sa Bulacan.

Narekober ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) ang apat na basyo ng bala ng baril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.