Balita

Kris, nakipag-ayos na kay ex-Pres. Noynoy Aquino

- Nitz Miralles

MASAYA ang nagmamahal kina former President Noynoy Aquino at Kris Aquino sa pagkikita ng magkapatid sa kasal ng pamangkin nilang si Nina. Sa video na in-upload ni Kris, makikitang lumapit siya kay former Pres. Noynoy

Post ni Kris: “Pareho naming inaanak si nina sa binyag... ako ang nakababata, kaya nung “peace be with you” ako ang lumapit... ninerbyos ang aking bunso, si kuya sobrang na HAPPY. Hindi pinilit, pero answered prayer para sa mga sisters namin. In God’s time, nabuo kaming muli... ito po ang totoong #pamilya.”

Dahil masaya sa pagkikita nila ng kapatid na baka mauwi na nga sa muli nilang pagkakaayo­s, deadma si Kris sa nag-comment na wala pang 2 months, may gagawin na naman si Kris at di na naman niya kikibuin ang kuya niya.

Sagot ni Kris: “At least your boring life has something to look forward to- provoke me, patulera ako, bunso eh.”

Sa sagot pa ni Kris sa kanyang followers, nabanggit na kita ang tuwa kay Josh sa paglapit niya kay Noynoy. “Ayoko nang nag aalangan si kuya so as much as this was for us, this was really for my panganay. A mom will do anything to make her son’s life more comfortabl­e basta kaya nya.”

Sa video na in-upload sa reception, si Kris ang host at inaming na-miss niya ang mag-host.

“Na miss ko magtanong ng questions, na miss kong mag outfit, na miss kong mag brief ng writers, ni direk, ni tito Mel, ni direk willy, and of course mag interact sa players- BUT part of my journey of maturing & healing has also been ACCEPTANCE... pero paminsan minsan, masarap din talagang balikan ang nakaraan kahit isang gabi lang.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines