Beauty queens namahagi ng saya sa mga bata ng Taal

Balita - - Showbiz - Ni ROBERT R. REQUINTINA

PASKO ang buwan ng Pebrero para sa mga bata na nabigyan ng saya ng mga beauty queen, mula sa pamilya ng mga naging biktima ng pagputok ng Bulkang Taal sa Tagaytay City.

Namahagi ang mga beauty queens ng Queen of Hearts Foundation, Inc. sa pangunguna ni Mitzie GoGil sa mga bata ng mga laruan, masasarap na pagkain, at iba pang regalo sa Sisters of St. John Baptist House of Prayer sa MA Calamba Road Iruhin East, Tagaytay City Cavite, nitong Linggo.

Sinalubong ng mga bata ang mga bisita mula Maynila kasama ng dasal at pagbabahag­i ng mga inspiratio­nal songs.

“Salamat sa inyong mainlt na pag-salubong sa amin. Please pray for us kids, lalo na itong mga kasama kong beauty queens. Ipag-pray ninyo na manalo ang mga queens natin,” pasasalama­t ni Gil, sa mga bata at kanilang mga magulang na nagtungo sa charitu event.

Ang Sisters of St. John the Baptist House of Prayer ay isang Retreat House na nag-aalok ng retreat facilities at services para sa spiritual needs ng lahat ng mga naghahanap ng personal encounter sa Diyos. Nakaharap ito sa Taal Lake na nagbibigay ng magandang tanawin para sa meditation at contemplat­ion.

Bukod Gil, nakibahagi rin sa event ang mga beauty queens katulad nina Mrs. Asia Pacific Global 2019 Avon Morales, Mrs. Asia Pacific Philippine­s Worldwide Llena Tan Arcenas, at Mrs. Asia Pacific Philippine­s Cosmopolit­an 2019 Mary Chris Abacahin Camacho. Kasama rin nila ang mga kinatawan mula JCI Senate Caloocan at iba pang donors.

Hindi naman ito ang unang pagkakatao­n na nagsagawa ng charity mission ang mga beauty queens. Noong 2019, nagtungo rin sila sa iba’t ibang probinsiya para sa charity events.

Noong Enero, namahagi rin ang grupo ng mga relief goods sa mga biktima ng Bulkang Taal na pansamanta­lang nanunuluya­n sa Alfonso Central School in Cavite.

Pagbabahag­i ni Gil, buwan-buwan na silang magsasagaw­a ng charity event hanggang sa pagtatapos ng 2020.

Bukod sa charity works, may nakalinya na ring beauty pageants, fashion show, movie screening, ang grupo.

Samantala, nakasama rin sa event si Rosenda Casaje, ang official representa­tive ng Pilipinas para sa Mrs. Global Universe 2020 sa Singapore ngayong Marso at ang ilang kandidata para sa Mrs. Queen of Hearts 2020 pageant.

Paglalaban­an sa nasabing patimpalak ang mga sumusunod na titulo: Mrs. Global Universe Philippine­s 2021, Mrs. Worldwide Philippine­s 2020, Mrs. Asia Pacific Global Philippine­s 2020, Mrs. Asia Pacific All Nation Philippine­s 2020, Mrs. Asia Pacific Tourism Philippine­s 2020, Mrs. Asia Pacific Interconti­nental Philippine­s 2020, at Mrs. Asia Pacific Cosmopolit­an Philippine­s 2020.

Beauty Queens ng Queen of Hearts Foundation, Inc.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.