Dutch model waging Manhunt Internatio­nal 2020

Balita - - Showbiz - Nikos Antonopoul­os, Matheus Giora, Hidalgo Hernández, Mayur Gangwani, Robert R. Requintina

ANG model mula The Netherland­s ang nagwagi bilang Manhunt Internatio­nal 2020 sa idinaos na kompetisyo­n sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Tinalo ng crowd favorite na si Paul Luzineau, ang 35 iba pang kandidato para sa titulo. Isang student si Paul na mahilig sa gym, running, at soccer.

Proud umano 23-anyos na model sa pinagmulan niyang bansa, ang The Netherland­s, dahil nagagawang mamuhay doon ng payapa ng iba’t ibang mga kultura.

“The Netherland­s is a really small country with more than 17 million people. The most thing I am proud of is that here in The Netherland­s we all have different cultures and religions and still can live together with peace,”anito sa isang panayam bago ang kompetisyo­n.

Ibinahagi rin ni Paul ang unti-unting pagsikat ng male pageants sa kanilang bansa dahil sa social media.

“Our organizati­on is keeping our pageant really up-to-date and tries to give it more attention in the Dutch media. So new young men can see it for themselves, instead of believing stories about male pageantry,”anito.

Aminado naman si Paul na excited siyang mabisita ang Pilipinas. “I can’t wait to try the Filipino food, I have heard really good stories about it.”

Nang matanong kung paano niyang gagamitin ang titulo: “I want the youth, to stand up more for themselves. Listening to the advice of others but still have the courage to make their own choices. Nobody is perfect, and it’s not wrong to make mistakes. Get out of your comfort zone and try something new.” Bukod naman kay Paul, wagi rin sina:

Greece, 1st runner-up; Brazil, 2nd runner-up; Yeray

Spain, 3rd runner-up; at India, 4th runner-up. Pasok din sa top 16 ang mga pambato ng: Paraguay, Vietnam, Sweden, Australia, Thailand, United Kingdom, Turkey, Poland, Sri Lanka, UAE, at Philippine­s.

Winners naman ng special awards ang mga kandidato ng: Philippine­s, best in national costume; Paraguay, Internet Popularity; The Netherland­s, face of the year; United Kingdom, best fashion model; Sweden, best commercial model; Vietnam, best runway model; Thailand, Mr. Photogenic; Nepal, Mr. Personalit­y; Peru, Mr. Physique; at Trinidad and Tobago, Mr. Friendship.

Hinusgahan ang 36 contestant­s base sa kanilang catwalk at runway skills, photogenic ability, personalit­y, at physical attributes.

“Manhunt Internatio­nal is organized to promote new faces for the male modelling and fashion industry. The men that enter Manhunt Internatio­nal are also encouraged to become role models and good corporate citizens for younger people to look up to,” pagbabahag­i ni Rosko Dickinson, Manhunt Internatio­nal president.

Ito na ang ikalawang beses na ginanap sa bansa ang prestihiyo­song male contest, na unang idinaos noong 1999.

Noong 2012, nakuha ni June Macasaet ang unang titulo para sa Pilipinas sa Manhunt Internatio­nal contest.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.