Review Committee para sa ‘pagpili ng atletang Pinoy’

Balita - - Sports - Annie Abad

BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practition­ers sa gagawing selection process.

“It is for this reason that the PSC, for the longest time, has been seeking the help of our partners from the sports media in the evaluation process of the Hall of Fame. We recognize their knowledge of the history of our country’s sports legends,” aniya.

Nakasaad sa R.A. No. 8757 na kilala din bilang PSHOF Act, na tanging ang Screening Committee na binubuo ng PSC Chairman, Philippine Olympic Committee (POC) President, Games and Amusement Board (GAB) Chairman, at dalawang iyembro ng NSA na may pagkilala ng POC at dalawang miyembro buhat sa mga pribadong sektor ang tanging may karapatan na mamili ng mga pararangal­an.

Samantala, nabuo naman ang review committee noong panahon pa ni dating PSC chairman Harry Angping taong 2010 kung saan pag-aaralan ng nasabing kumitkung karapat dapat nga ba na mapabilang sa Hall of Fame ang nasabing atleta na mapipili.

Pitong miyembro ang bubuo sa naturang kumite na magmumula buhat sa iba’t ibang media outfit na nagkokober ng sports.

Gayunman, hindi pa pinapangal­anan ang mga miyembro ng nasabing kumite gayung pinag-aaralan ng mga namumuno ang pagbuo dito.

Nakatakda naman simulan ang nominasyon para sa posibleng parangalan ngayong unang araw ng Marso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.