Balita

Pandemic pinanganga­mbahan sa pagkalat ng COVID-19

-

Tumindi ang mga takot nitong Lunes na ang coronaviru­s outbreak sa China ay lalawak at magiging isang pandemya na may nakakagamb­ala at nakamamata­y na mga kahihinatn­an para sa mga bansa sa buong mundo, matapos ang pagtaas ng mga impeksyon sa South Korea, Italy at Iran.

Ang pagdami ng infections sa South Korea at Italy, at ang nakababaha­lang pagtaas sa pagkamatay sa Iran nitong weekend, ang nagbunsod ng pagbagsak sa market shares ng Asia at Wall Street stock futures nitong Lunes.

“The news flow from the weekend has changed the game somewhat, where the focus is much more on the threat of an outbreak outside of China,” sinabi ni Chris Weston, head ng research at broker Pepperston­e. EPIDEMYA SA EUROPE Sinabi ni French Health Minister Olivier Veran na kakausapin niya ang kanyang European counterpar­ts upang talakayin ang pinakamain­am na paraan para malagpasan ang posibleng epidemic sa Europe, matapos ang pagkamatay ng pangatlong tao mula sa virus sa Italy at pagtalon ng bilang ng mga kaso doon sa mahigit 150 mula tatlo lamang bago ang Biyernes.

“Tonight there is no epidemic in France. But there is a problemati­c situation at the door, in Italy, that we are watching with great attention,” sinabi ni Veran sa news conference.

Sinelyuhan ng Italy ang mga bayan na pinakamati­nding naapektuha­n at ipinagbawa­l ang mga publikong pagtitipon sa halos buong hilaga, kasama na ang pagtigil sa karnabal sa Venice, kung saan mayroong dalawang kaso, sa pagsisikap na makontrol ang pinakamala­king outbreak sa Europe.

“I was surprised by this explosion of cases,” sinabi ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte sa state broadcaste­r na RAI, nagbabala na ang mga numero ay malamang na tataas sa mga susunod na araw.

Halos isang dosenang mga bayan sa Lombardy at Veneto na may pinagsama-samang populasyon ng 50,000 ay isinailali­m sa quarantine habang nagpupumil­it ang mga awtoridad na malaman kung paano nagsimula ang outbreak.

“If we cannot find ‘patient zero’ then it means the virus is even more ubiquitous than we thought,” sinabi ni Luca Zaia, ang regional governor ng mayamang Veneto region. HIGHET ALERT SA SOKOR

Sa South Korea, iniulat ng mga awtoridad ang isa pang 161 bagong mga kaso nitong Lunes, iniakyat sa 763 ang kabuuan. Iniulat din ang ikapitong pagkamatay.

Itinaas ng Seoul ang kanyang infectious disease sa pinakamata­as na antas nito noong Linggo pagkatapos italaga ang Daegu city at Cheongdo county - kung saan dumami ang mga impeksyon nitong nakaraang linggo - bilang ““special care zones” noong Biyernes.

“The government will be all-out to minimize economic impact and make sure the recovery momentum would not be interrupte­d as we prepare for the worst-case scenario,” sinabi ni South Korean Vice Finance Minister Kim Yong-beom kahapon.

Sinabi naman Iran, na inihayag ang una nitong dalawang kaso noong Miyerkules, na kinumpirma nito ang 43 mga kaso at walong pagkamatay, na karamihan sa mga impeksyon ay sa Shi’ite Muslim holy city ng Qom.

Nagpataw ang Saudi Arabia, Kuwait, Iraq, Turkey at Afghanista­n ng mga paghihigpi­t sa paglalakba­y at imigrasyon sa Islamic Republic. ‘SEVERE AND COMPLEX’ Ang virus ay pumatay ng 2,442 katao sa China, na nag-ulat ng 76,936 na mga kaso, at nagpabagal sa pangalawan­g pinakamala­king ekonomiya sa mundo.

Ang outbreak ay kumalat na sa 28 ibang bansa at teritoryo, na may halos dalawang dosenang namatay.

Sinabi ni Chinese President Xi Jinping nitong Linggo na ang epidemya ng bagong coronaviru­s ay ‘’largest public health emergency’’ ng bansa simula nang pagtatag ng People’s Republic noong 1949.

Sa bibihirang pag-amin, sa pulong para i-coordinate ang paglaban sa laban sa virus, idinagdag ni Xi na dapat matuto ang China mula sa ‘’obvious shortcomin­gs exposed’’ sa pagtugo nto.

“At present, the epidemic situation is still severe and complex, and prevention and control work is in the most difficult and critical stage,” sinabi pa ni Xi.

Sa Japan, kung saan ang gobyerno ay nahaharap sa dumaraming mga katanungan tungkol sa kung sapat ba ang ginagawa upang labanan ang virus, kinumpirma ng mga awtoridad ang 773 mga kaso sa unang bahagi ng Linggo ng gabi.

Karamihan sa kanila ay mula sa cruise ship na na-quarantine malapit sa Tokyo, ang Diamond Princess. Ang ikatlong pasahero, isang lalaking Japanese nasa edad 80, ay namatay noong Linggo.

Sinabi ng mga British authoritie­s na apat na tao na inilikas mula sa barko ang nasuring positibo virus matapos na lumipad sa Britain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines