Balita

JoshNella fans, brokenhear­ted

MARKUS AT JANELLA SPOTTED NA MAGKASAMA

- Ni REGGEE BONOAN

NANLUMO ang JoshNella supporters nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa nakita nilang sunud-sunod na post sa social media na nakitang kasama ng aktres ang rumored boyfriend niyang si Markus Patterson na nanood ng gig ng kanyang amang si Juan Miguel Salvador sa bar sa Makati City.

Bukod dito ay may post din na nasa Boracay sina Janella at Markus bagama’t hindi sila nakunan sa iisang frame pero iisa naman ang background nila.

Tampo ng JoshNella supporters na habang kinikilig silang pinapanood nila ang dalawa sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode nitong Sabado ay iba naman pala ang kasama ni Janella ng mga sandaling iyon.

May nabasa kaming, ‘pampelikul­a lang talaga; work lang talaga; sad etc.’

Sa ganang amin ay dapat tanggapin ng JoshNella supporters kung ano ang totoo at kung sino ang gusto nina Janella at Joshua.

Saka mas nauna naman ang pagkakaibi­gan nina Janella at Markus bago nabuo ang JoshNella sa The Killer Bride, ‘di ba? Hanggang sa nasundan ng ibang TV guestings at latest nga itong MMK.

Bilib nga kami kay Markus dahil kahit alam niyang sa iba napa-partner si Janella at maraming fans ay okay lang sa kanya at sinusuport­ahan niya ang JoshNella love team.

Inamin din ni Markus na kilala niya si Joshua bilang kapwa artista pero hindi pa sila nagkakakil­ala ng personal kasi hindi naman sila nagkikita pa.

Sa JoshNella fans kung talagang mahal ninyo ang idolo ninyo, sana tanggapin ninyo kung sino ang gusto nila sa isa’t isa pagdating sa personal life para hindi kayo heartbroke­n din.

 ??  ??
 ??  ?? Joshua at Janella
Joshua at Janella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines