40 miyembro ng MILF, arestado

Balita - - Front Page - Ni BONITA L. ERMAC

Nasa 40 miyembro ng umano’y Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pinag-aaresto dahil umano sa paglabag sa Republic Act 10591 at 9516 sa barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon, nitong Lunes.

Ayon kay Police Captain Dominador V. Orate, chief, Talakag Municipal Police Station, bahagi umano ang grupo ng mga miyembro ng MILF 118 Von Basher Unit, Camp Badar Talangan Maguindana­o sa ilalim ni Abdulbasse­r Sulaiman Tahir, Base Commander.

Dinakip ang mga ito kaugnay ng Simultaneo­us Aggressive Police Operation (SAPO) na makatuwang na isinagawa ng Talakag at Baungon MPS nitong Lunes ng hapon.

Kabilang sa mga inarestong miyembro ng MILF ay kinilalang sina: Mohalidin Ansid, Walid Salaman, Oman Natian, Norodin Pasandalan, Bonie T. Zalacia, Pairudin Kalantunga­n, Esmael S. Bro, Limbol S. Kutungan, Gens Abdull, Abusama Dalican, Aladin Ali Laoid, Bong Ampuan, Ebrahim S Salud, Omar U. Benjamin, Ansari M Karim, Nos S. Abdullah, Kens M. Ali, Mohaimin A. Usman, Guimalodin A.Kauti, Tatokan B. Munting, Dari A. Guiamalos, Benjamin S. Salim, Datu Ali S. Samar, Sarad S. Sawal, Morsid S. Tanto, Waltu T. Abdullah,

Abusalik Parsan y Bakindong, Udjag Sindatoky Kenjag, Sukarno Linandang y Endato, Abdul Kadil y Mangolawas, Akmad Kapiya y Guliket, Salik Mama Abdullah, Macadatu Kedtingan Rekiman, Akob Talib Nasa, Andang Nasrulah Ayob, Datukali S. Masukat y Samad, Edbrahim Nabantong y Tambol, Training Director at Samana Pasandalan y Ramidon, pawang nasa tamang edad at residente ng Nunangan, Datu Angal, Midtimbang, Maguindana­o.

Sakay umano ang mga ito ng isang kulay dilaw na Isuzu truck, na may plate number MFL 879, na rehistrado at minamaneho ni Abdullah Ladsuman Sangkay, 56, may lisensiya at residente ng Linamonan, Talayan, Maguindana­o.

Sangkot umano ang grupo sa isang pamamaril na naganap nitong Pebrero 21, ayon kay Orate.

Nakuha naman sa mga ito ang isang (1) M-14 US rifle 7.62mm na may serial na nr 37366 ¬¬¬¬¬¬, isang (1) Fragmentat­ion grenade, isang (1) black bandolier ng M-14, isang (1) black handheld radio Baofing Brand, model BF-888S, anim (6) magazine ng M-14, 50 live ammunition at mga ID.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.