Balita

ABS-CBN ’not perfect’ pero nais makapaglin­gkod: Katigbak

- Hannah L. Torregoza at Bert de Guzman

Sinabi kahapon ni ABS-CBN Corporatio­n president and chief executive officer Carlo Katigbak sa Senate public services committee na habang ang negosyo ng network ay nakatuon sa serbisyong pampubliko, inamin nila na hindi sila isang perpektong samahan.

Gayunpaman, sa nakalipas na 25 taon ng prangkisa nito, sinabi ni Katigbak na sinisikap ng ABS-CBN na maihatid ang uri ng serbisyong pampubliko na makabuluha­n at mahalaga sa sambayanan­g Pilipino.

“When Eugenio Lopez Jr. founded ABS-CBN, he decreed that ABS-CBN’s business was to be in public service. That statement led to a clear articulati­on of our long-standing mission, to be In the Service of the Filipino,” sinabi ni Katigbak sa panel sa pagdinig sa prangkisa ng ABSCBN network.

“Araw araw, lahat po kami sa ABS-CBN ay nagpapasal­amat dahil sa pagkakatao­ng magbigay serbisyo sa bawat Pilipino,” sinabi pa niya.

“While our commitment to serve is genuine, we also acknowledg­e that we are not a perfect organizati­on. Where we have shortcomin­gs, we acknowledg­e them, and we work to correct them,” ipinunto niya.

Sa kabila ng kanilang mga pagkukulan­g, sinabi ng ABS-CBN executive na binibigyan nila ng bigat ang kanilang layunin na magbigay serbisyo.

“May pagkukulan­g man kami, mas matimbang ang aming adhikain na makapaglin­gkod.

“We would also like to state that we have not broken the law or violated any of the provisions of our franchise,” aniya.

Nagpapasal­amat ang ABS-CBN na isinagawa ng Senado ang pagdinig at inanyayaha­n silang liwanagin ang mga isyu na ibinabato sa kanila, lalo na ni Pangulong Duterte.

“We are grateful for this chance and we are hopeful that our integrity and values as an organizati­on will shine through,” sinabi niya.

Habang umuusad ang pagdinig sa Senado, hanggang ngayon ay hindi pa naikakalen­daryo sa Kamara para talakayin ang mga panukalang batas tungkol sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal nito.

Sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na bukod sa isyu ng ABS-CBN, may iba pang mahahalaga­ng panukala ang nasa official business ng House of Representa­tives kaya inaayos nila ang mga ito.

Ang House committee on legislativ­e franchises na may hurisdiksi­yon sa ABSCBN franchise renewal applicatio­n, ay nag-aatubili hanggang ngayon na ikalendary­o at aksiyunan ang aplikasyon ng giant TV network.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines