R300K shabu, nasamsam sa pusher

Balita - - News - Orly L. Barcala

Arestado ang isang drug pusher nang makuhanan ito ng P306,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Northern Police District (NPD), kinilala ang nadakip na si Allan Varga, 33 anyos, may live-in partner, naniniraha­n sa No. 276 Morong Street, Maypajo, Barangay 30, Caloocan City.

Ayon kay P/ Captain Johnny Baltan, hepe ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Malabon Police, ikinasa nila ang buy-bust operation sa Governor Pascual Avenue, Sto. Nino, Barangay Concepcion, Malabon City, pasado alas tres medya ng madaling araw.

Sina Police Corporal Rafael Jay Arro at June Cavilan ang nagkunwari­ng iskorer ng shabu ng halagang P1,000.

Nang iaabot na ni Varga ang isang plastic sachet ng ilegal na droga, dito na siya pinosasan ng dalawang nagpanggap na poseur buyer.

Matapos kapkapan, nakuha pa sa suspek ang 45 gramo ng shabu na may market value na P306,000 .

Binitbit sa presinto si Varga saka kinasuhan ng Violation of Sec. 5 and Sec. 11 ng R.A. 9165, habang dinala naman sa Crime Labolatory Office ang nasamsam na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.