Panghandan­g karneng baboy, sinamsam

Balita - - News - Liezle Basa Inigo

Mangaldan Pangasinan – Problemado ang isang pamilya makaraang hindi palusutin sa checkpoint ang karne ng baboy na itinuturin­g na hot meat na sakay sa traysikel sa Bgy. Embarcader­o, sa bayang ito.

Dahil alerto ang PNP sa monitoring sa African Swine Fever hindi nakalusot ang 40 kilo ng baboy na kinatay na sa bahay ng isang ginang sa San Jacinto.

Ayon kay Pastora Ungos, gagamitin sana umano ang baboy na karga sa kasal at binyag ng kanyang apo at dadalhin sana sa San Jacinto.

Ayon sa pulisya kinokonsid­era itong hot meat dahil kinatay ito sa hindi tamang lugar at hindi dumaan sa inspection at ibiniyahe na walang anumang legal documents.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.