Balita

Pagsalba sa turismo ng Pilipinas sa harap ng Covid-19

-

SA gitna ng mabilis na pagkalat ng epidemya na coronaviru­s 2019 o COVID-19 at ang pagbabawal ng paglalakba­y na ipinatupad ng China at ang special administra­tive region upang mapigilan ito, inaasahang mawawala sa Pilipinas ang nasa USD291.71 million o PHP14.83 billion sa turismo, para lamang sa buwan ng Pebrero.

Ang China ang kasalukuya­ng “fastest-growing source market” ng bansa, na may 1.7 million turista ang bumisita sa Pilipinas sa 2019.

Sa pagkawala ng mga bumibisita­ng Chinese, gumagawa ng paraan ang tourism stakeholde­rs sa bansa upang mapanatili ang industriya.

Sa Boracay, nakararana­s ang mga resort at hotel ng kanselasyo­n dahil sa travel ban. Apektado rin ang maliliit na mga negosyante mula sa outbreak.

Si Pepito Embarque, isang e-tricycle driver sa Boracay, ay kalimitang nagdadala ng mahigit isang daang turista kada araw, kalimitan sa mga ito at Korean at mga Chinese. Ngunit dahil sa panganib ng virus, malaki ang ibinaba ng bilang nito.

“Nawala na talaga ang Chinese, napakalaki ng nawala. Sa amin ang laki na ng lugi kasi Koreans at Chinese talaga ang kadalasan naming pasahero. Dati umaabot ng isang daang pasahero, ngayon kalahati na lang,” pagbabahag­i nito sa Philippine News Agency (PNA).

Kung magtatagal pa ang sitwasyon sa loob ng susunod na limang buwan, maituturin­g itong “sakuna” para sa maliliit na tourism enterprise­s sa Pilipinas, ayon kay Tourism Congress of the Philippine­s president Jose Clemente III.

“Hopefully not until six months, we’re talking about PHP60 - P70 billion -- but that’s approachin­g the close season already. But then again if it drags on, it becomes catastroph­ic for the smaller players in the industry. We’re talking about the Chinese tour operators, they may be forced to close down completely,” pagbabahag­i nito sa isang panayam nitong nakaraang linggo.

Sa isang hakbang na malimitaha­n ang epekto ng outbreak, pinakalaka­s at aktibong nag-iimbita ngayon ang Department of Tourism (DOT) ng mga dayuhan na bumisita sa Pilipinas. Sa susunod na buwan, isang nationwide effort upang palakasin ang paglalakba­y sa pamamagita­n ng shopping sa pagbubukas ng unang Philippine Sale Festival.

Pinalakas din ng DOT ang promosyon nito, sa inaasahang pagbisita mismo ni Pangulong Duterte sa Boracay, Cebu, at Bohol – mga destinasyo­ng pinakaapek­tado ng pagbagsak ng bilang ng mga dayuhan, patikular ang mga Chinese.

Sa partisipas­yon ng Pangulo sa pagsusulon­g ng mga lugar at implementa­syon ng mahigpit na polisiya upang maprotekta­han ang mga turista laban sa Covid-19, nananatili­ng positibo ang DOT na magiging malakas pa rin ang turismo ng Pilipinas ngayong 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines