Balita

Hahamunin ang katatagan ng SC

- Ric Valmonte

“PUWEDE nilang dalhin ito sa Korte Suprema. Walang problema rito. Susunod lang kami kung ano ang sinasabi ng batas. Iyan ang laging sinasabi ni Pangulong Duterte,” wika ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo sa mga Palace reporters nitong nakaraang Biyernes. Walang problema, aniya, kukunin naming ang pagsang-ayon ng Senado kung iyan ang sasabihin ng Korte Suprema. Patungkol ito sa Visiting Forces Agreement (VFA) na mag-isang kinansela ni Pangulong Duterte. Sa utos ng Pangulo,

nagpadala ng notice of terminatio­n si Foreign Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa embahada ng Amerika, at batay rito, mapapaso ang VFA sa Agosto 9, o 180 araw pagkatapos nitong matanggap ang anunsiyo. Ayon sa mga Senador, hindi puwedeng gawin ng Pangulo ang ginawa niyang mag-isang pagkansela sa VFA nang walang pagsang-ayon ng Senado. Sa ilalim kasi ng Saligang Batas, ang anumang tratado, tulad ng VFA ay kailangang ratipikahi­n ng Senado. Walang sinasabi ang Saligang Batas na kapag kinansela ito ay kailangang pa ang kanyang ratipikasy­on na siyang pinagbabat­ayan ng Pangulo sa kanyang ginawa sa VFA. Pero, 2/3 votes ng lahat ng mga Senador ang kailangan upang magkabisa ito bilang batas sa ating bansa. Hindi majority lang. Kung napakahira­p magkabisa ang anumang tratado o kasunduang papasukin ng Pangulo dahil 2/3 votes ng lahat ng miyembro ng Senado ang kailanan,

bakit napakadali niyang balewalain ito nang hindi niya kukunin ang kanilang pagsang-ayon? At ilang boto naman ng mga Senador para maging epektibo na susuporta sa gagawing pagkansela ng Pangulo?

Isyung constituti­onal ang nakapaloob sa banggaang ito nina Pangulong Duterte at mga Senador. Madaling pagpasiyah­an ito ng Korte Suprema kung papanigan nila ang Pangulo dahil utang nila sa kanya ang pagiging mahistrado ng Kataastaas­ang Hukuman lalo na si Chief Justice Diosdado Peralta. Madali nilang sabihin na political question ito at hindi lapat ang remedyong declatory relief para kwestyunin ang ginawa ng Pangulo. Pero, ang kahalagaha­n ng isyu ay tumatagos sa utang na loob at pakikisama. Nakataya rito ang kapalaran ng maraming tratado o kasunduan na pinasok ng ating bansa sa pamamagita­n ng mga nakaraang mga pinuno nito.

Basta na lang ba na may bagong Pangulo na mag-isa niyang buburahin lahat ang mga ito dahil sa pansarili at personal na dahilan. Hindi na pag-aaralan ang implikasyo­n ng kanyang gagawin at gagamitin ang kapangyari­hang ipinagkalo­ob sa kanya ng taumbayan para lamang gumanti at bigyan niya ng kasiyahan ang kanyang kaakuhan. Kaya, kinansela ni Pangulong Duterte ang VFA ay dahil kinansela ng Amerika ang visa ng kanyang drug warrior na si Sen. Bato dela Rosa at pinagbawal­an nitong pumasok ng bansa ang mga opisyal na may kinalaman o kaugnayan sa pagkapiit kay Sen. Leila de Lima, na mortal niyang kaaway.

Dalhin sana na ng mga Senador ang isyu sa Korte Suprema upang magkaalama­n kung paano ito magpapasiy­a. Pagpapasiy­ahan ba nila ito sa istilong quo warranto laban kay dating Chief Justice Sereno na personal ding kagalit ng Pangulo?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines