#MeToo: Weinstein, convicted sa sex assault, rape

Balita - - Showbiz -

NA-CONVICT na nitong

Lunes si Harvey Weinstein para sa kaso ng rape at sexual assault bagamat acquitted ito sa serious predatory charges, hatol na itinuring na makasaysay­an para sa #MeToo movement laban sa sexual misconduct.

Idineretso na ang 67-year-old Hollywood mogul sa notorious Rikers

Island jail ng New York, matapos ideklarang ‘guilty’ ng jury (seven men and five women) ang dating powerful Hollywood producer para sa criminal sexual acts sa first degree at rape sa third degree.

Not guilty naman ang hatol sa Oscarwinne­r, para sa pelikulang Shakespear­e In Love, para sa first-degree rape at predatory sexual assault, kaso na maaari sanang nagdala sa kanya sa lifetime jail.

Ngayon mahaharap ang producer sa 29 years imprisonme­nt.

Hindi naman nakitaan ng malaking emosyon ang nasasakdal matapos ihayag ang hatol sa puno na New York courtroom. Isinailali­m siya sa custody pending sentencing, na nakatakda sa March 11.

Ayon sa kanyang lawyer Arthur Aidala paulit-ulit umanong sinasabi ni “shocked” Weinstein ang ‘I’m innocent, I’m innocent. How could this happen in America?’”

Nangako namang aapela si lead attorney Donna Rotunno para sa kanyang kampo, na sinabing, “the fight is not over” at nagawa pang purihin si Weinstein “for taking the decision like a man.”

Malaking tagumpay ang naging hatol kay Weinstein para dosenang kababaihan na naghain ng akusasyon laban sa kanya.

Ito ang itinuturin­g na most high-profile sex assault conviction sa United States mula ng mahatulang guilty si Bill Cosby noong 2018 para sa kaso ng “drugging and sexually assaulting a woman 15 years prior.”

Nagdiwang naman ang Time’s Up foundation, sa tagumpay ng kanilang kaso laban kay Weinstein case, na inilarawan nilang “a new era of justice.”

“Abusers everywhere and the powerful forces that protect them should be on notice: There’s no going back,”ayon sa pahayag.

Pinuri naman ni Manhattan top prosecutor Cyrus Vance ang mga kababaihan na tumestigo laban kay Weinstein para sa “the course of history.”

“This is the new landscape for sexual violence survivors. This is a new day,” ayon kay Vance.

“We all owe an immense debt to you, who had the courage beyond measure to speak your story to the world, to the courtroom, at great personal risk, and in great personal pain.”

Harvey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.