Balita

Sarah G. inuna ang taping ng ‘The Voice’ bago kasal

- Mercy Lejarde

MABILIS kumalat ang balita na nu’ng Huwebes ng gabi, February 20 to be exact, na nagpakasal na ang longtime magdyowang Matteo Guidecelli at Sarah Geronimo sa Shangri-La Fort in Bonifacio pero ang hindi alam ng marami bago pa sumambulat all over the world ang nasabing kasalan ay inuna muna ni Sarah ang magtaping sa ABS-CBN talent reality show na The Voice Teens 2 at pagkatapos ng taping ay bigla na lang daw umalis ng walang kasama.

Kaya ang isa sa kasamahan niyang coaches sa The Voice Teens 2 na si Lea Salonga ay nagulat din sa kumalat na balitang kasal ng kapwa niya TVT2 coach.

“I am shocked. None of us knew. None of us from the show, from the network, but I’m happy for her,” sabi ni Salonga sa isang interview na gulat na gulat daw sa kumalat na balitang secret wedding ng Sarah at Matteo.

“To be able to pull that off, that’s a feat. That is a crowning achievemen­t, na they knew who to trust. He really loves her,” Salonga even added.

Kung sabagay, may point siya in pernes, ha! Samantala, sa last Sunday (February 23/20) night episode ng The Voice Teens ay dalawang baguhang singing artists ang naragdag to Bamboo’s Kamp Kawayan na si The Voice Kids alumnus Rock Opong na bumirit nang kantang Sa Ngalan Ng Pag-ibig na tugmangtug­ma naman para sa isang co-coaches ni Bamboo na si Sarah Geronimo, devah naman? Meanwhile, 15-year-old Aly Fabellar also got Bamboo’s approval with her cover of Rihanna’s Diamonds.

“Gusto ko na yung tone ng voice mo, may pagka-emo, angsty feel sa akin eh...I liked it,” Bamboo told Fabellar.

So there, brother!

Pero ang tanong….sa mga next episodes ng The Voice Teens 2 ay mapapanood pa rin kaya si Sarah Geronimo now Mrs. Matteo Guidecelli? Well, abangan na lang natin ika nga.

 ??  ?? Sarah
Sarah

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines