Balita

Sheena at Jeron kasal na

- Ni NORA V. CALDERON

MUKHANG sunud-sunod na ang mga artista at celebritie­s na nagpapakas­al. After ng civil wedding ng mga Kapamilya stars na sina Matteo

Guidicelli at Sarah Geronimo last Thursdays, February 20, sumunod naman ang garden wedding ni Kapuso star Sheena Halili with fiancée Atty.

Jeron Manzanero last Saturday, February 23, sa The Blue Leaf Cosmopolit­an in Quezon City.

Binuo ng mga guests na mga Kapuso at Kapamilya stars ang wedding ceremony, na ang secondary sponsors ay sina Kapuso Primetime Queen Marian

Rivera (candle), Camille Prats (veil) and Jennylyn Mercado with Pasig City

Mayor Vico Sotto (cord). Naggaganda­han ang mga bridesmaid­s ni Sheena na ang ilan ay mga Kapuso stars na tulad ng mga co-StarStruck niya na sina Katrina Halili, Chariz Solomon at sina Glaiza de Castro at Maine Mendoza.

Natatandaa­n namin na naging mag-best friends noon sina Marian at Sheena nang gawin nila ang epicserye na Amaya. Naging close friends naman sina Sheena at Maine nang gawin nila ang Destined To Be Yours noon nina Maine at Alden Richards. Naging barkada sila noon kasama si Juancho Trivino, na present din sa wedding. Katatapos din lamang magpakasal sina Juancho at ang misis niyang vlogger/host na si Joyce

Pring last February 9, 2020.

May post si Maine sa kanyang

Instagram story na magkayakap sila ni Sheena na parang umiiyak sa kanya, caption ni Maine: “Dinadasal lang natin na magkaboyfr­iend ka, pero ngayon may asawa ka na. Happy for you, always. Congrats and best wishes, @ mysheenaha­lili and @jemanzaner­o!”

 ??  ?? Jeron at Sheena
Jeron at Sheena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines