Balita

‘Parasite’ hangad na maging daan sa mas magandang ugnayan ng Japan-Korea

-

TOKYO – Isa sa mga bida ng awardwinni­ng movie na Parasite ang nagsabi na umaasa siyang makatutulo­ng ang pelikula ang mapaganda ang kultural na ugnayan ng Japan at Korea, na nabahiran ng sigalot kabilang ang trade war na sumiklab sa pagitan ng dalawang bansa noong nakaraang taon.

Sinabi ni Song Kang-ho, gumanap na tatay ng pamilya na naniniraha­n sa basement. Na masaya siya sa mainit na pagtanggap ng Japanese fans sa “Parasite” at umaasa siyang higit pang gaganda ang relasyong ito.

“I hope we can go back to the early 2000s, and have an interest in each other’s works,” pagbabahag­i ni Song sa Japan National Press Club. “Japan and Korea are close countries and can relate to each other’s cultures.”

“Looking at how ‘Parasite’ has been received even in Japan, I hope we can have a mutual interest in each other’s cultures.”

Hindi direktang tinukoy ng aktor ang kasalukuya­ng relasyon ng dalawang bansa, bagamat hindi lingid sa iba ang alanganing relasyon ng dalawang bansa nitong nakaraang taon dahil sa isyu ng Japanese compensati­on para sa mga mangagawa ng World War Two, na pinalala pa ng trade dispute.

Tinanggap ng Japanese filmgoers ang “Parasite” mula nang i-release ito sa bansa noong Enero 10. Higit pang pinalakas ang pelikula ng pagkapanal­o nito sa Oscar, na bumalik sa Japanese box office nitong nakaraang linggo at ngayo’y itinuturin­g na top-grossing South Korean film sa Japan of all time.

“I’ve come to Tokyo because I want to express my appreciati­on for the interest that all the filmgoers have shown,” pagbabahag­i naman ni director Bong Joon-ho sa news conference.

Ang Parasite, ay isang dark social satire patungkol sa lumalawak ng agwat ng mahirap at mayaman sa Seoul.

Bukod sa prestihiyo­song Oscars, nakuha rin ng pelikula ang Palme d’Or sa Cannes Film Festival last year, habang kinuha nito sa Oscars ang tatlong iba pang awards kabilang ang best director, na tumalo sa mga beterano ng Hollywood kabilang sina Martin Scorsese at Quentin Tarantino.

 ??  ?? Cast ng ‘Parasite’
Cast ng ‘Parasite’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines