Balita

Aksiyon sa NCAA tuloy na

-

ITUTULOY na ang mga naunsiyami­ng events ng National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA) Season 95 sa Marso 16.

Ipinahayag ni NCAA na maitutuloy na ang mga events matapos makansela ang mga laro noong Pebrero 14 dahil sa coronaviru­s outbreak. Inaasahang aaprubahan ang naturang petsa ng Policy Board ng liga.

Bago magdesisyo­n, kinuha muna ng NCAA ang panig ng Commission on Higher Education, Department of Education at Department of Health kung ligtas nang laruin ang mga events.

Ipagpapatu­loy ang mga laro sa indoor volleyball, football, lawn tennis at soft tennis. May dalawang playdates pa ang volleyball tournament bago magsimula ang Final Four.

Nakatakda sanang magharap ang San Beda University at Lyceum of the Philippine­s at ang College of Saint Benilde at Mapua University sa women’s division ng volleyball nang kanselahin ng ManCom ang lahat ng laro sa seniors division.

Magtutuos naman sa huling araw ng eliminasyo­n ang Arellano at Benilde at Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos.

Kumpleto naman na ang Final Four – Benilde (7-0), Arellano (7-1), San Beda (6-2) at University of Perpetual Help System Dalta (6-3).

Puwestuhan na lamang ang pinaglalab­anan kung saan pinakakrus­yal ang bakbakan ng Lady Blazers at Lady Chiefs sa final day ng eliminatio­n round.

Sakaling manalo ang Benilde sa Mapua at Arellano, awtomatiko itong uusad sa finals habang maiiwan ang Lady Chiefs, Lady Red Spikers at Lady Altas sa stepladder semifinals.

Maliban sa volleyball, uumpisahan naman ang track and field sa Marso 16 habang lalarga ang cheerleadi­ng sa Marso 30. Idaraos naman ang Under-15 basketball sa Abril 25 at beach volleyball sa Abril 29.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines