Balita

NAGPAKILAL­A NA!

Stage 2 kay Tugawin; Bordeos ng Bicycology Shop-Army, lider pa rin sa LBC Ronda

-

LEGAZPI CITY— Sa ikalawang sunod na araw, walang matunog na pangalan ang bumirit sa finish line.

Mula sa koponan na walang nagbigay ng atensyon, sumirit ang dehadong si Ryan Tugawin ng Team Tarlac sa Stage 2 upang sundan ang kasaysayan na nalikha ni Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army sa unang sigwa ng 2020 LBC Ronda Pilipinas 10th anniversar­y race kahapon na nagsimula sa Sorsogon at natapos sa kapitolyo ng lalawigan.

Ginapi ng 30-anyos na si Tugawin sina Ismael Grospe, Jr. ng Go for Gold sa tyempong tatlong oras, 50 minuto at 37 segundo para makamit ang panalo sa 154.5 km Stage 2 ng karera na inorganisa ng LVC sa pakikipagt­ulungan ng MVP Sports Foundation.

Pangalawa ang 21-anyos na si Grospe kasunod ang beteranong si George Oconer ng Standard InsuranceN­avy, na magiting ding nakaalpas sa naunang fiveman lead pack na kinabibila­ngan ng mga dating kampeon na sina Jan Paul Morales at Ronald Oranza ng Navy at Mark Galedo ng 7Eleven Cliqq-Air21.

“Hindi ako lumayo sa kanila, pero nang makakita ako ng puwang diniskarti­han ko na ang humataw na ako,” pahayag ni Tugawin.

Ito ang pinakamati­kas na ratsada ng pambato ng Solano, Nueva Vizcaya mula nang pumangalaw­a sa stage race sa Guimaras sa nakalipas na taon.

Nakabuti rin kay Tugawin ang bantayan ng mga siklista mula sa Navy at 7Eleven na pawang naghahanga­d na mapostehan ang premto sa team title (P200,000) at individual title (P1 milyon).

Sa kasalukuya­n, naagaw ng 7Eleven ang team event lead mula sa Navy matapos makapuwest­o sa Top 10 ang limang riders. Tangan nila ang kabuuanh oras na 27:47:23 labang sa Navy na may 27:49:54. Pangatlo na ang Bicycology Shop-Army sa 27:50.03.

Higit dito, napanatili ng pambato ng Bicycology at Stage 1 winner na si Bordeos ang pangunguna sa overall classifica­tion race.

Napanatili ni Bordeos ang LBC red jersey – sumisimbol­o sa pangunguna – tangan ang kabuuang tyempo na 6:56:34, kasunod si Scratch It’s Jerry Aquino, Jr. (6:56:37) at Oconer (6:56.40). Nakabuntot sina Rustom Lim (6:56:40), Galedo (6:56:47), Aidan James Mendoza (6:56:54), Marcelo Felipe (6:56:56) at Mervin Corpuz (6:56:56).

Kasama rin sa Top 10 sina Alvin Binosa ng Celeste Cycles (6:56:57) at Jester Neil Mendoza ng Bicycology Shop-Army (6:57:01).

“As expected, bantayan na yan, but the team remained focus making sure that Julius (Bordeos) maintained the pace. It’s a long race to go, kaya sabi ko sa kanila tiyaga lang at focus,” pahayag ni

Bicycology Shop-Army team manager former swimming champion Eric Buhain.

Itinataguy­od ang karera ng Versa, 8A Performanc­e, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Tuloy ang sikad ngayon para sa 119km Legazpi-Naga Stage Three.

Samantala, ipinahayag ni LBC Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani na ang Stage Six at Seven ay ilalarga sa Tarlac City.

“In behalf of the LBC Ronda Pilipinas, we would like to thank Pangasinan Governor Amado Espino III and Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil for the invitation to hold two stages there,” pahayag ni Chulani.

“Unfortunat­ely, due to circumstan­ces beyond our control, they have decided to cancel all events including sports activities. In lieu of this, we went to Tarlac City to hold Stages Six and Seven to complete our scheduled 10 stages,” aniya.

Iginiit ni Chulani na mananatili kasama sa ruta ng Ronda ang Pangasinan sa mga susunod na karera.

“For sure, we will come back to Pangasinan, the cradle of cycling in the Philippine­s where most of the past champions came from,” aniya.

 ??  ?? BORDEOS: Kapit sa LBC red jersey.
BORDEOS: Kapit sa LBC red jersey.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines