First single ni Maine, chart topper

Balita - - Front Page - Ni NORA V. CALDERON

NARINIG na namin ang first single ni phenomenal star

Maine Mendoza sa Universal

Records, ang Parang Kailan

Lang nang lumabas ito last February 24. Maganda ang melody at lyrics ng song at bagay na bagay sa boses ni Maine. Matagal itong hinintay ng kanyang fans dahil halos two years in the making ang recording. Nagkasunud-sunod kasi ang work ni Maine after pumirma siya ng contract sa Universal Records PH at since siya ang sumulat ng lyrics ng songs, hindi agad ito nai-record.

Kaya naman nang lumabas na ito, madaling nakapagord­er ang mga fans sa iTunes at umakyat agad ito sa number one. Ang Parang Kailan

Lang ay kasunod ng unang single na ginawa ni Maine, ang theme song ng

movie nila ni Alden Richards na Imagine You & Me na siya rin ang sumulat ng lyrics pero music ni Vic Sotto at ni-record niya for Eat

Bulaga.

Sa March 20 ang launch ng Parang Kailan

Lang.

Kaya naman fiesta ang mga fans ni Maine dahil, bukod sa paglabas ng first single niya, ini-launch na rin ang kanyang bagong color ng lipstick at lip glass niya ng MACMaker/Maine Mendoza. Pangalawan­g beses na ito ni Maine na gumawa ng sariling color ng lipstrick niya at nakapangal­an sa kanya ‘Maine.’ Bago ang birthday ni Maine sa March 3, ilo-launch na ang lipstick sa March 1 na magaganap sa SM Megamall.

Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.