Avisado, kinumpirma bilang DBM secretary

Balita - - News - Vanne Elaine P. Terrazola

Kinumpirma ng Commission on Appointmen­t (CA) nitong Miyerkules ang appointmen­t ni Wendel Avisado bilang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM).

Si Avisado, dating administra­dor ng Davao City, ay hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2019.

Bago ang kanyang kumpirmasy­on, tinalakay ng CA Committee on Budget and Management sa pagdinig ang interim appointmen­t ni Avisado.

Kabilang sa iba pang mga isyu, tinanong siya ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa desisyon ng DBM na pigilan ang P84 bilyon congressio­nal realignmen­ts sa ilalim ng badyet ng P4.1-trilyon 2020 budget, at ang proseso ng pagpapalab­as nito.

Kinumpirma ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo ang naunang impormasyo­n ni Lacson na naantala ni Pangulong Duterte at ng DBM ang paglabas ng halaga na diumano’y tinangka ng mga mambabatas na ilipat mula sa programang Build, Build, Build sa kanilang mga proyekto sa kanilang distrito.

Bilang tugon, sinabi ni Avisado na ang mga proyekto ay kailangang sumailalim sa proseso ng pagsusuri at pagsasala, na kasama ang pagpapatun­ay mula sa Regional Developmen­t Council (RDC) na kailangan ang mga ito ng kanilang mga nasasakupa­n.

Pinuri ni Lacson, kilala sa kanyang adbokasiya laban sa pork, ang desisyon ni Avisado.

Bukod sa paglilingk­od bilang Davao City administra­tor mula 2004 hanggang 2010, si Avisado ay nagsilbi rin bilang Presidenti­al Assistant for Special Concerns para sa rehabilita­syon ng mga lugar na naapektuha­n ng bagyong Yolanda.

Naging Deputy Secretary General din siya para sa Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council mula Setyembre 2010 hanggang Abril 2015.

Bukod kay Avisado, kinumpirma rin ng CA ang appointmen­ts ng apat na senior officers ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP), na sina: Roberto Ancan sa ranggo ng Lieutenant General; Simeon Felix Jr. sa ranggo ng Major General; at Fernando Reboja at Maning Tawantawan sa ranggo ng Brigadier General.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.