Duterte ‘daming trabaho’ kaya ‘di nakabisita sa lamay ng ina ni Robredo

Balita - - News - Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa lamay ni Salvacion Gerona, ang ina na si Vice President Leni Robredo, ngunit hindi niya nagawa dahil sa kanyang abalang iskedyul kayat hindi niya personal na naiabot ang pakikirama­y.

Sa press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Panelo na pupunta siya sa Naga City upang makiramay sa Bise Presidente, at bilang kinatawan ni Duterte.

“We reiterate our condolence­s to the family of VP Leni, on the demise of the mother. I’m going there to express our condolence­s. Today. I’m leaving shortly,” aniya nitong Miyerkukle­s ng gabi.

“He wants to go pero ang daming trabaho kasi, eh. Ako na lang siguro muna. I’ll be representi­ng him. He wanted to go, yun ang sabi niya sa akin,” dagdag niya.

Si Gerona, isang guro, ay pumanaw nitong Sabado sa edad na 83 anyos matapos kumpirmahi­n ni Robredo na lumalala na ang kalusugan ng kanyang ina

Sa isang pahayag nitong weekend, ipinaabot ng Malacañang ang pakikirama­y sa Bise Presidente.

“In this time of bereft, we also offer our thoughts and sympathy to the family, relatives, and friends of Ms. Gerona,” sinabi ni Panelo noong Linggo.

BAGO NA ALVIN KASIBAN

Pinangunah­an ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Presidenti­al Security Group change of command ceremony ni outgoing PSG Chief Brig. Gen. Jose Niembra at ni incoming PSG Chief Col. Jesus Durante III, sa PSG Compound, sa Manila kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.