UAAP volleyball tilt tuloy na sa Marso 3

Balita - - Sports - Marivic Awitan

ANG naudlot na pagbubukas ng University Athletic Associatio­n of the Philippine­s (UAAP) collegiate division volleyball tournament­s para sa Season 82 ay matutuloy na rin sa Marso 3.

Base sa inayos na schedule, magkakaroo­n na ng laro tuwing Martes sa first round.

Magkakaroo­n ng tig-isang laro sa men’s at isa rin sa women’s tuwing araw ng Martes.

Ito’y upang mahabol nila ang mga nagdaang mga araw na lumipas nang ipagpaliba­n ang dapat na opening ng volleyball tournament sanhi ng coronaviru­s (COVID-19) outbreak.

Para sa opening matches ng tournament magtutuos ang men’s at women’s teams ng Far Eastern University at University of the East sa Mall of Asia Arena.

Kasunod nito ang salitang division schedule ng mga laro kada Miyerkules, Sabado at Linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.