Amihan, hihina na ––PAGASA

Balita - - Front Page - Ellalyn De Vera-Ruiz

Inaasahang hihina na sa Marso ang amihan o northeast monsoon na nararanasa­n pa rin sa bansa.

Ito ang inihayag ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) na nanganahul­ugang hindi na gaanong mararamdam­an ang lamig ng simoy ng hangin na nanggagali­ng sa mainland China at Siberia.

Kahapon, ayon sa PAGASA, ay ramdam pa rin ang lamig ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon.

Kaugnay nito, nilinaw ni weather specialist Meno Mendoza ng PAGASA, na wala silang inaasahang mamumuong low pressure area (LPA) na makaaapekt­o sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Gayunman, inabisuhan pa rin nito ang mga manlalayag sa hilagang karagatan sa Northern Luzon dahil na rin sa inilabas bna gale warning ng ahensya sa nasabing lugar na apektado ng amihan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.