Bagong pulis,pinaiiwas sa utang

Balita - - News - Bella Gamotea

Umapela kahapon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major General Debold Sinas sa mga bagong recruit na pulis na huwag mangutang habang sumasabak ang mga ito sa training o pagsasanay.

Ang panawagang ito ng NCRPO chief ay kasabay ng reception rites sa 230 bagong recruit na pulis sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City, kahapon.

Aniya, layunin nitong maturuan ang mga bagong magpupulis na huwag mangutang hanggang hindi pa sila nagiging pulis.

Binanggit ni Sinas, may mga lending company na pumapasok sa training kaya napipilita­n ang mga bagong recruit na mangutang kahit hindi naman kailangan.

Idinugtong pa ng opisyal na kapag nabaon aniya sa utang, natututo umano ang mga pulis na pumasok sa ilegal na gawain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.