Rape slay suspect, binaril; patay

Balita - - News - Danny Estacio

CAMP G. NAKAR, Lucena City – Napatay ng pulisya ang isang suspek sa panggagaha­sa at pagpatay sa isang batang may kapansanan nang tangkain nitong hagisan ng granada ang mga awtoridad na aaresto sana sa kanya sa Tagkawayan, Quezon, nitong Miyerkules ng hapon.

Dead on the spot ang suspek na si Mauro Cargar Gravamen, alyas ‘Papa Jun’, 60, magsasaka, at taga-Bgy. Ibabang Alsam, Tayabas, Quezon, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinalakay ng mga pulis ang pinagtatag­uan ng suspek sa Tagkawayan upang ito ay arestuhin sa nasabing kaso, kamakalawa ng hapon.

Sa halip na sumuko, lumaban pa umano ang suspek at tinangkang ihagis sa mga awtoridad ang granada kaya ito binaril na nagresulta sa pagkasawi nito.

Sa rekord ng pulisya, itinuturo si Gravamen na responsabl­e sa panggagaha­sa at pagpatay sa isang 10-anyos na nakararana­s ng autism spectrum disorder, nitong Pebrero 19 kung saan naiulat na nawawala ng biktima.

Ayon naman kay QPPO director, Colonel Audie Madrideo, ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa itaas ng bundok sa naturang lugar sa nasabi ring araw.

Nauna nang kinumpirma ng Provincial Crime Laboratory Office na ginahasa ang biktima bago ito pinaslang. Inihayag naman ni tiyuhin ng biktima, nakita pa niya ang suspek na binigyan ng pera ang biktima bago maiulat ang pagkawala nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.