Rider, patay sa salpukan sa Isabela

Balita - - News - Liezle Basa Iñigo

Dead on arrival sa ospital ang isang babaing rider nang makasalpuk­an nito ang isa ring motorsiklo sa Barangay Minanga, San Mariano, Isabela, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rosalinda Pacis, 38, taga- Alibadabad, San Mariano habang sugatan naman ang isa pang rider na nakasalpuk­an nito na nakilalang si Elmer Domingo, 38, ng nasabi ring lugar.

Bago ang insidente, binabagtas ng dalawa ang national highway, Sitio Casisiitan sa magkaibang direksyon hanggang sa bigla na lamang silang magbanggaa­n, dakong 6:30 ng gabi.

Sa inisyal na ulat, sinakop umano ni Domingo ang kabilang kalsada na nagresulta sa aksidente.

Nahaharap si Domingo sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.