‘Mang Kepweng 2’ ni Vhong kasama sa 2020 SMMFF?

Balita - - Showbiz - Ni REGGEE BONOAN

Kung papalaring mapili sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival na magsisimul­a sa Abril 11-21 ay muling mapapanood ang

pelikulang Mang Kepweng: Ang

Lihim ng Bandang Itim at siguradong maraming bata ang mapapasaya nito lalo’t si Vhong Navarro ulit ang bida.

May bagong journey si Mang Kepweng na lalong pinaganda ang special effects ng pelikula na ginastusan ng milyong piso ng Cineko Production­s mula sa direksyon ni Topel Lee.

Ang Mang Kepweng Returns ay ipinalabas noong 2017 ng ibalik ng Cineko production­s ang pelikulang pinasikat ni Papang Chiquito 30 years ago at ito ay muling binigyang buhay ni Vhong at gaya ng inaasahan maraming nanood dahil na-miss nila si Mang Kepweng.

Sa Marso 2 pa ang announceme­nt ng MMDA para sa Magic 8 ng 2020 SMMFF at ngayong araw naman ito nakatakdan­g panoorin ng jurors.

Cast ng ‘Mang Kepweng’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.