Benjamin Alves, pang-awards ang acting

Balita - - Showbiz - Ni ADOR V. SALUTA

Kakaibang role ang bibigyang-buhay ni Benjamin Alves sa Magpakaila­nman ngayong Sabado ng gabi, sa GMA-7. Hihimayin ng MPK host na si Mel

Tiangco ang kuwento ng pag-iibigan ng isang barumbado at isang simpleng babae (payed by Andrea

Torres), at kung saan hahantong ang pagtitiis ng huli at kung ano ang kahihinatn­an ng kanilang buhay.

Ayon sa ilang Kapuso source, pang-award daw ang ipinakitan­g akting ni Benjamin sa nasabing episode. Naitanong tuloy sa aktor kung nag-i-expect pa ba siya ng acting award sa bawa’t project na inaalok sa kanya?

Simple niyang tugon, “Hindi naman… ang hirap po kasing sabihin na hindi siya importante. Parang magsisinun­galing po tayo pag sinabi nating hindi importante.” Dagdag niya,“Parang ano po ‘yan, e, parang sa trabaho, kahit anong trabaho, parang naghahanap ka ng recognitio­n na nagagawa mo nang maayos at mabuti yung trabaho mo.

“Although nakukuha ko naman po yun sa director, sa co-actors ko, masaya na po ako sa ganun.

“Pero siyempre, plus na rin po yung parang hindi lang po yung nasa katrabaho ko or nasa taping po yung nakaka-appreciate po.

“Kapag may mga award-giving bodies, na parang meron pa palang iba na makaka-appreciate ng ano po, more than the ticket sales, more than ratings po namin.

“Para po sa actor, iyung ratings po, natutuwa po ako dun, malaking ano po yun, thankful po ako dun. Pero yung mabigyan ka ng award, ibang ano naman po yun, ibang pasasalama­t at yun nga po kasi…”

Benjamin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.