Balita

OFWs sa Iran, inalerto vs COVID-19

- Bella Gamotea, Mary Ann Santiago, at Beth Camia

Inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pammagitan ng kanyang Embahada ng Pilipinas sa Tehran, ang lahat ng mga Pilipinong manggagawa at naniniraha­n sa Islamic Republic of Iran bunsod na rin ng paglala ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Pinayuhan din ng DFA ang mga ito na sumunod sa mga abiso ng Ministry of Health and Medical Education (MoHME) at mga direktiban­g inisyu ng local Iranian health authoritie­s, at makipagkoo­perasyon sa efforts na labanan ang pagkalat ng naturang sakit.

Sa ngayon, wala pang report na may Pinoy sa Iran ang nahawa sa nasabing sakit.

Pinaalalah­anan ang mga ito na sundin ang abiso ng Department of Health (DOH) ukol sa preventive measures tulad ng hand hygiene o malimit na paghuhugas ng kamay,pagiwas sa mga indibiduwa­l na may sintomas,wastong paraan ng pagubo,umiwas ng mga hayop sa farm,paginom ng sapat na tubig,lutuing mabuti ang pagkain at agarang komunsulta sa doctor kapag nakaranas ng mga sintomas ng COVID-19.

Nakatakda namang makipagpul­ong ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigation (BI) sa mga opisyal ng South Korean Embassy kaugnay sa idineklara­ng travel ban sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Undersecre­atry Markk Perete, ngayong Biyernes ang inaasahang meeting ng DOJ at BI kasama ang mga opisyal ng SoKor Embassy upang mabatid kung papaano epektibong maipatutup­ad ang travel ban.

Iniulat naman ng DOH na patuloy na bumababa ang bilang ng mga indibidwal na itinuturin­g nilang patients under investigat­ion (PUIs), na kasalukuya­n pang naka-confine sa iba’t ibang pagamutan sa bansa dahil sa banta ng virus.

Sa inilabas na datos ng DOH, nasa kabuuang 615 na ang PUIs na naitala nila sa bansa.

Sa naturang bilang, 64 PUIs na lamang ang nananatili pa ring admitted o nilalapata­n ng lunas sa mga pagamutan sa bansa.

Pinakamara­mi umanong PUIs ang mga nasa pagamutan sa National Capital Region (NCR), na nasa 56 pa.

Mayroon namang dalawang PUIs na naka-confine pa sa pagamutan sa Cordillera Autonomous Region (CAR) habang tig-isa naman ang PUI na admitted pa sa mga ospital sa Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, Cagayan Valley, Northern Mindanao at Ilocos Region.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines