Balita

Church wedding ng AshMatt ‘when everything’s settles down’

- Ni REGGEE BONOAN

SA follow-up interview ni MJ

Felipe ng TV Patrol

kay Matteo Guidicelli sa isang event nitong Miyerkules ay natanong ang aktor kung matutuloy pa ang church wedding nila ng asawang si

Sarah GeronimoGu­idicelli.

“Of course, one day when everything’s settles down,” nakangitin­g sagot ni Matteo habang papasakay na ng kanyang sasakyan.

Ngayong Marso o Hunyo ang kasal, “secret na,” tumawang sagot ng asawa ni Sarah.

Samantala, hindi nag-report si Sarah sa ASAP Natin

‘To nitong Linggo, at duda ng lahat ay nag-honeymoon na ang dalawa sa isang wellness resort sa Batangas. Kaya tinanong ang aktor kung nakapag-honeymoon na sila.

“Busy pa sa work,” tumawang sabi ng masayang mister ni Sarah G.

Kumusta na si Sarah na maraming natutuwa na sa wakas ay natuloy na rin siyang maging Mrs. Guidicelli, “To the people out there giving good vibes, we are all good. This is the happiest we’ve ever been. Thank you. We love you.”

Tumawa naman nang husto si Matteo sa tanong kung magkasama na sila ni Sarah sa iisang bahay at sabay sakay sa kanyang sasakyan at ipinakita ang kanyang wedding ring.

Samantala, base pa sa report ay nakuwento ni Matteo na sobrang saya niya ngayong may asawa na siya.

“I just got married. It’s our sixth day together. This is my first event kumbaga and these are the best days of my life. The best times. We are blessed, somebody beside me all the time so everything is better.” “It’s the blessing of my life, of our lives. We are very happy. We are very thankful to the public, those in social media, for all the good wishes and all the congratula­tory notes. Thank you from the bottom of our hearts. It means a lot.”

 ??  ??
 ??  ?? Sarah at Matteo
Sarah at Matteo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines