Direk Dan at Tonette, engaged na

Balita - - Front Page -

THE long wait is over for Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone dahil engaged na sila sa wakas.

May ka-meeting kaming konektado sa showbiz industry nitong Miyerkoles at habang nagba-browse ng kanyang cellphone ay nadaanan ang litrato ng diamond heart ring na ibinigay ni direk Dan sa kanyang future wife.

Sabi ng ka-meeting namin, “ay engaged na sila. Sabi nga ni Dan kay Tonette, ‘sorry natagalan.”

Oo nga, ilang beses na rin namin itong tinatanong kina direk Dan at direk Tonette sa tuwing makikita namin sila kung kailan ang Big Day nila at laging sagot sa amin ay, ‘wala pa, marami pang labada (projects), nag-iipon pa kami.”

At ito rin pala ang hinihintay ng management company nang dalawang direktor, Cornerston­e na nag-post na rin.

“Just before the love month ends! Congratula­tions to the newly engaged couple, our amazing directors @ tonetjadao­ne & @ danvillega­s ! Love is truly in the air!

Reggee Bonoan Direk Tonette

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.