Balita

Tony at Julia matindi ang laplapan

-

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay iniisip pa rin namin kung si Elise nga ba ang bumaril kay Rose o kamukha lang niya? Nabitin kami sa ending ng I Am U na napanood namin sa ginanap na special screening sa Trinoma Cinema 6 nitong Miyerkules ng gabi kung saan dinaluhan ng buong cast, kani-kanilang pamilya at mga kaibigan.

Sina Elise at Rose ang mga karakter na ginampanan ni Julia Barretto at napahanga kami nang husto. Para sa amin ay itong I Am

U ang pinakamaga­ndang project ng aktres. Well, bata pa kasi siyang nagsimula sa pag-aartista kaya dating pa-cute pa ang mga role niya.

Totoo nga ang sabi ni Direk Perci M. Intalan kay Julia nu’ng huling panayam namin, “nakita kong perfect siya lalo na ‘yung mga pinagdadaa­nan niya sa buhay, ang dami niyang hugot.”

At sa mga karanasang iyon humugot si Julia kung paano aatakehin ang bawa’t eksena.

Hindi lang si Julia ang kapuripuri sa I Am U kundi ang lahat ng cast na kinabibila­ngan ng leading man niyang si Tony Labrusca, sina Richard Quan, Cedrick Juan, Kokoy De Santos, Adrianna So, Claire Ruiz, Lander Vera Perez, Yayo Aguila, Jenny Miller, at Ina Raymundo.

Hinanap namin si Direk Perci M. Intalan sa screening para alamin kung nabuhay ba si Elise o kamukha lang pero hindi na pala umabot.

“Hay pupunta dapat ako kaso naipit na ako. Tapos ang traffic pa kaya di na ako nakahabol,” sabi ni PMI ng maka-chat namin.

At kahit hindi nakapunta ang bumuo ng konsepto ay nakamonito­r naman siya sa socmed, “So far, ganda ng feedback sa twitter. Sana mag hit,” aniya.

Sa tanong namin kung buhay pa ba si Elise, “Ha ha ha ha aalamin natin sa writers! Ha ha ha ‘di ko talaga pwedeng sabihin kung hindi wala nang aabangan kung may season 2!”

Biniro namin si direk Perci na umpisahan na nila ang Season 2 dahil siguradong hahanapan na ito pagkatapos mapanood ang buong 7 episodes’ ng I Am U na nagsimula nitong Miyerkoles ng gabi.

“Sana! Depende yan sa iWant at Dreamscape kung gusto nila,” saad ni PMI.

At nabanggit din namin na ang huhusay ng buong cast, “oo natuwa rin ako sa cast.”

Binanggit namin kay PMI na ang gagaling ng IdeaFirst talents na sina Adrianna, Kokoy at Cedric na gumanap bilang mga kaibigan ni Julia.

“Oo, happy nga ako na maganda rin role nila,” say ng manager ng tatlo.

Sana

mabigyan ng chance sa mga teleserye ng ABS-CBN ang mga nabanggit.

Samantala, habang may kissing scene sina Julia at Tony ay naalala namin ang sinabi ng aktres sa nakaraang I Am U mediacon na nu’ng banggitin daw sa kanya kung sino ang leading man ay naisip kaagad niyang, “’yung maraming laplapan?”

Kasi nga ang naalala ng dalaga ay ang digital movie na Glorious ng aktor kasama si Angel Aquino na wala nga namang ginawa kundi maglaplapa­n.

Pero ang totoo, si Julia ang unang naghahamon ng laplapan kay Tony sa I Am U, siya ang nagyaya sa binata kaya habang pinapanood namin ang mga eksena nila ay natatawa kami.

Ending parang naging sunudsunur­an si Tony kay Julia pagdating sa laplapan, ha, ha, ha.

Magaling na aktor si Tony at marami pa siyang puwedeng ipakita sa mga susunod niyang proyekto.

Gusto namin si Kokoy dahil may karakter ang buhok niyang kulot at napaka-natural umarte. At nagulat kami, may kissing scene sila ni Ina.

At natawa rin kami kay Adrianna dahil ang ganda at sexy ng karakter niya, ‘yun pala isa siyang lipstick lesbian na may gusto kay Julia.

Natitigan namin si Richard at older version pala siya ni JC Santos? So sila ang magkamukha.

Anyway, anumang oras ay puwede nang panoorin ang first 4 episodes’ ng I Am U digital series sa iWant handog ng Dreamscape Digital at IdeaFirst Company mula sa direksyon ni Dwein Baltazar.

 ??  ??
 ??  ?? Julia at Tony
Julia at Tony
 ??  ?? Reggee Bonoan
Reggee Bonoan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines