Balita

500 BI OFFICIALS, BINALASA

Dawit sa ‘pastillas’ scheme

- Ni JUN RAMIREZ

Binalasa na ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang tinatayang aabot sa 500 opisyal ng ahensya na nakatalaga sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) dahil na rin sa pagkakadaw­it umano ng mga ito sa ‘Pastillas’ scheme.

Sa direktiba ni BI Commission­er Jaime Morente, iniutos na nito ang pagpapatup­ad ng total reshuffle sa lahat ng nakapuwest­o sa tatlong terminal ng paliparan. Gayunman, hindi nagalaw sa puwesto si Port perations division chief Grifton Medina at ipinauubay­a na lamang nito ang desisyon kay Justice Secretary Meynardo Guevara na pumirma sa kanyang appointmen­t.

Kabilang lamangn ang BI sa attached agency ng Department of Justice.

Ipinaliwan­ag ni Morente, ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo

Duterte matapos makumpirma ng intelligen­ce sources nito ang nabanggit na suhulan.

Nauna nang tumestigo sa imbestigas­yon ng Senado si Immigratio­n officer Allison Chiong na nagbunyag na siya at mga kasamahan nito ay tumanggap ng suhol mula sa mga tour operator upang mapadali ang pagpasok sa bansa ng mga Chinese tourist na magtatraba­ho sa Phillippin­e Offshore Gaming Operators (POGO).

Paglillina­w ng opisyal ng BI, ang naturang hakbang ay bahagi lamang ng ginagawang aksyon ng pamahalaan upang masawata ang iregularid­ad sa ahensya.

Dahil dito, magpapatup­ad na ang ahensya ng mga baging patakaran sa pagsasagaw­a ng ikalawang inspeksyon sa mga biyahero sa lantad na lugar upang walang maitatago at nagkabit na rin sila ng mga bagong closed circuit television camera upang masubaybay­an ang trabaho ng mga immigratio­n officer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines