SOLON, HINARANG SA JEDDAH Dahil sa COVID-19

Balita - - Front Page - Nina BEN ROSARIO at BERT DE GUZMAN

Hindi pinapasok si Manila Rep. Bienvenido Abante sa Jeddah, Saudi Arabia nitong Huwebes bilang bahagi ng hakbang ng kaharian ng Gitnang Silangan upang hindi lumaganap ang coronaviru­s disease 2019 virus sa kanilang lugar.

Ito ang kinumpirma ng kongresist­a at sinabing ang insidente ay naganap matapos magdesisyo­n ang Saudi government na ipagbawal ang pagpasok sa kanila ng mga biyaherong magtutungo sa kanilang banal na lugar isang buwan bago mag-Ramadan at ang taunang hajj pilgrimage.

Sa isang viber message sa mga mamamahaya­g na naka-base sa House of Representa­tives, binanggit ni Abante na siya nasa Dubai nang ipaalam sa kanya ng kinatawan ng isang airline na hindi siya maaaring sumakay sa isang connecting flight patungong Jeddah para sa isang “official trip” nito.

Sinabi pa aniya sa kanya ng airline representa­tive na idineklara na ng pamahalaan ng Saudi na bawal pumasok sa kanila ang mga Pinoy na nagtatagla­y ng tourist visa.

Ayon kay Abante na isang ebanghelis­ta, bumibiyahe siya dala an diplomatic passport at hawak din nito ang isang travel authority na inilabas ng House of Representa­tives.

Gayunman, naiintindi­han aniya nito ang nasa likod ng pagbabawal ngunit naniniwala siya na hindi saklaw ng ban ang government officials.

“While I am aware that these travel restrictio­ns are in place to prevent the spread of the Covid-19 virus, to my knowledge government functionar­ies on official trips are not covered by this ban— including myself, as I am a government official traveling with a diplomatic passport and a travel authority issued by the House of Representa­tives,” ayon sa mambabatas.

Ipinayo rin nito sa pamahalaan na dapat nang kumilos na ang Department of Foreign Affairs (DFA) at kausapin ang Saudi government upang hindi na maulit ang insidente.

Nauna nang inihayag ng nasabing kaharian na hindi nila papayagang pumasok sa kanilang bansa ang sinumang foreign national upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kung hindi pa aalisin ang ban, maaapektuh­an nito ang milyun-milyong debotong Islam na nagpaplano­ng makilahok sa taunang hajj pilgrimage na magsisimul­a sa Hulyo 28 at Ramadan fasting season na mag-uumpisa naman sa Abril, 23.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.