Balita

Lady ‘drug courier’ huli sa R6.97M shabu

- Mary Ann Santiago

Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcemen­t Administra­tion (PDEA) ang isang babaeng sinasabing isang ‘drug courier,’ sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Manila, nitong Miyerkules ng gabi.

Iniharap nina National Capital Regional Police Office (NCRPO) Regional Director Debold Sinas at MPD Director B/Gen. Bernabe Balba ang suspek na nakilalang sina Kevin Jayson, 28, babae, at taga-2022 Int. 34 G. Perfecto Street, Tondo, Manila.

Naiulat na ng MPD-Ermita Police Station 5 (PS-5), si Jayson ay naaresto sa isang buy-bust operation na ikinasa sa Dagupan Extension, kanto ng Raxabago Street,d akong 12:00 ng tanghali.

Bago naaresto si Jayson, inaresto muna ng pulisya ang tatlong drug suspect na sina King Carl Ferrer, 27, alyas ‘Boss’, taga-471 Soler Street, Binondo,Maynila;JohnChrist­opher Tayao, 32, taga- 2021 Yakal Street, Sta. Cruz, Maynila; at William Tan, 26, taga- 1326 Alvarez Street, Sta.

Cruz, Maynila, sa isang buy-bust operation na ikinasa dakong 10:00 ng umaga sa Ipil Street, corner Alvarez Street, Sta. Cruz.

Nasamsam sa operasyon ang 13 plastic sachet ng hinihinala­ng shabu.

Ikinanta naman ng tatlo si Jayson na siyang umano’y source nila ng illegal na droga, kaya’t tinarget din ang babae sa operasyon, na nagresulta sa pagkakadak­ip nito.

Nakumpiska mula kay Jayson ang may 1.25 kilo ng high-grade shabu na nakalagay sa Chinese tea bag at tinatayang may street value na P6.97 milyon, gayundin ng buy-bust money na P1,000 na nakapatong sa boodle money na may katumbas na halaga na P50,000.

Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o he Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines