Chinese, arestado sa panghihipo

Balita - - News - Bella Gamotea

Inaresto ng guwardiya ang isang Chinese na inakusahan ng ilang beses na panghihipo sa isang dalaga sa loob ng sasakyan sa Makati City, kamakalawa.

Nasa kustodiya ng Makati City Police at posibleng maharap sa kasong Acts of Lascivious­ness ang suspek na kinilalang si Zejiang Qiu, 41 anyos, at residente sa F Tanedo, Tarlac City.

Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang Jessa, 21, ng Sarreno Darm

Buenavista, Tarlac City, Tarlac.

Sa ulat ni S/M/S Ruthlyn Talusan, ng Women and Children Protection Desk (WCPD), naganap ang umano’y serye ng panghihipo sa loob ng puting Toyota Camry Sedan na may plakang P4 Z56 sa bahagi ng Ayala Avenue, Makati City, at sa basement parking ng GT Tower sa HV Dela Costa cor. Ayala Ave., Barangay Bel-Air ng lungsod, dakong 3:00 ng hapon nitong Huwebes.

Sa inisyal na imbestigas­yon, batay sa salaysay ng biktima, hinalikan siya sa libi ng suspek, hinawakan sa tiyan pataas sa dibdib, at niyakap nang labag sa kanyang kagustuhan.

Nangyari ito sa habang tumatakbo ang kanilang sasakyan mula g Paseo de Roces Condominiu­m, Don Chino Roces Avenue patungong GT Towers sa naturang lugar.

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa guwardiya ng GT Towers na si Joseph Babia, 37, na nagresulta sa pagkakaare­sto ng Chinese.

Isinasaila­lim sa kaukulang imbestigas­yon ang dayuhan at kahapon ay kinumpirma ni S/M/S Talusan na hindi pa isinalang sa inquest proceeding­s sa Makati Prosecutor’s Office si Qiu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.