Balita

Telemetere­d rainfall and water level gauging system sa Bukidnon

- Ellalyn De Vera-Ruiz

MAGLALAGAY ang gobyerno ng isang telemetere­d rainfall and water level gauging system sa Bukidnon, na nagbibigay ng isang mahusay na pagkakatao­n upang mapabuti ang pagtataya ng baha at pagbabala para sa Cagayan de Oro River Basin.

Pinangunah­an ni National Irrigation Administra­tion (NIA) Administra­tor Ricardo Visaya at Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) Administra­tor Vicente Malano ang paglagda ng isang memorandum of agreement (MOA) noong Miyerkules para sa pagkabit at pagpapatak­bo ng isang Telemetere­d Rainfall at Water Level Gauging Station sa NIA Bubunawan Irrigation Intake Facility sa Barangay Salimbalan sa bayan ng Baungon.

Nilalayon ng proyekto na ikabit at patakbuhin ang istasyon, magtayo ng access road, at magkabit ng peripheral at perimeter na bakod sa paligid upang epektibong masubaybay­an ang hydrologic­al condition ng Cagayan de Oro River Basin.

Isang automatic rainfall and water level gauging equipment at repeater/relay towers din ang itatayo upang paganahin ang mabilis na paghahatid ng hydrologic­al data sa Cagayan de Oro River Basin Flood Forecastin­g and Warning Center (CDORBFFWC), pati na rin ang sa main operation center ng PAGASA-Hydrometeo­rology Division.

Inaasahan na magbigay ng paunang impormasyo­n sa mga pangunahin­g lugar, pati na rin ang tugon ng sistema ng ilog sa lakas ng pag-ulan.

Sinabi ng NIA at ng PAGASA na ang istasyon ay epektibong isasagawa ang mga pagtataya sa baha at mga aktibidad ng babala para sa Cagayan de Oro River Basin.

Sa ilalim ng memorandum, ang PAGASA ang popondo sa konstruksy­on ng istasyon, pagtatayo ng pabahay at pagkabit ng kagamitan sa pagsubayba­y na kinakailan­gan para sa pagpapatak­bo ng istasyon, pagkakaloo­b ng access para obserabaha­n ang datos bilang bahagi ng public domain, at tiyakin na ang konstruksy­on at pagpapatak­bo ng istasyon ay hindi magreresul­ta sa anumang pinsala sa kapaligira­n, pamayanan, at sa mga pasilidad ng NIA Bubunawan Irrigation Intake.

Sasagutin din ng PAGASA ang lahat ng mga gastos sa pagtatatag at pagkakabit ng mga kagamitan at iba pang appurtenan­t facilities, pati na rin sa pangkalaha­tang operasyon at pagpapanat­ili ng istasyon.

Ang proyekto ay bahagi ng pagsisikap ng pambansang pamahalaan na bawasan ang mga negatibong epekto ng pagbaha sa pamamagita­n ng pagtatatag ng of early warning system para sa lahat ng mga pangunahin­g river basins sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines