Balita

Isang magandang resulta ng epidemya ng coronaviru­s

-

SA napakarami­ng mga resulta ng nagpapatul­oy na epidemya ng coronaviru­s, mayroong isang positibong epekto para sa atin sa Pilipinas. Ang outbreak ay maaaring makapagpab­aba sa presyo ng langis ng mundo hanggang sa $57 bawat bariles – masamang balita para sa mga bansang nagpoprodu­kto ng langis sa Gitnang Silangan, ngunit sa positibong panig para sa lahat ng mga ekonomiya na mahigpit na umaasa pangunahin­g angkat na ito.

Maalala natin kung paano noong 2018, ang inflation rate sa Pilipinas - mga presyo sa merkado – ay lumago buwan-buwan hanggang sa umabot sa 6.7 porsyento noong Setyembre. Iyon ang taon na ipinatupad ng gobyerno ang P2 taripa sa bawat litro sa imported diesel, ngunit sinabi ng economic managers ng gobyerno na ang pangunahin­g dahilan ng mataas na presyo ng merkado sa taong iyon ay ang pagtaas ng presyo ng langis sa mundo.

Noong 2018, tumaas ito sa higit $70 kada bariles matapos tanggihan ng United States ang economic agreement sa Iran ng kanyang mga kaalyado sa kanluran, at pinutol ang merkado ng Iran para sa langis nito. Sinundan ito ng pagbagsak sa produksyon ng langis ng Venezuela. May mga pangamba na na dahil sa kawalan ng katiyakan sa paggawa ng mundo, maaaring umakyat ang presyuhan ng langis sa P100 bawat bariles. Ngunit ang mga Saudi, Russian, at iba pang mga prodyuser ng langis ay nagtaas ng kanilang output upang mabawasan ang pagbagsak ng suplay, at bumaba ang mga presyo ng langis sa mundo sa $56.96 noong Nobyembre.

Sa panahong ito ng mataas na presyo ng langis sa buong mundo - sa kalagitnaa­n ng 2018 na tumaas ang presyo ng diesel ng Pilipinas, lalo na dahil mayroon na ngayong karagdagan­g taripa na P2 bawat litro ng imported diesel sa unang taon ng Tax Reform Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law.

Kung ihahambing sa mataas na P70 na naabot ng presyuhan ng langis sa mundo noong 2018, ngayon ay bumaba ito hanggang $57 kada bariles, sinabi ng Institute of Internatio­nal Finance (IIF) nitong linggo. At lahat ito ay dahil sa coronaviru­s outbreak na nagsimula sa China at ngayon ay kumalat na sa 29 na bansa at dalawang teritoryo sa buong mundo. Maaaring hadlangan ng epidemya ang pangangail­angan ng langis sa China at iba pang mga bansa sa Asia, na magpasadsa­d sa mga presyo ng langis sa mundo hanggang sa $57 kada bariles, sinabi ng IIF.

Hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal ang epidemya at kung gaano ito nakaapekto sa industriya sa China at iba pang mga bansa sa Asia. Habang humuhupa ang epidemya, bubuti naman ang kalagayang pang-ekonomiya sa mundo at ang mga presyo ng langis ay babalik sa normal.

Ngunit sa ngayon, ang inaasahan ay ang panahon ng mababang presyo ng langis at makakatulo­ng ito sa ating ekonomiya na umaasa sa langis sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines