Balita

Kapag humihina na ang ningas

- Johnny Dayang

ANG dating malakas na politikal na pag-aalsa, ay nakitaan ngayon ng malaking pagbaba ng bilang ng mga protesta at rally. Halos wala na rin ang dating nakatutuli­g na ingay at mga pulang bandera na nagkalat sa kalsada nang bumalot sa bansa ang mga nasaksihan­g pang-aabuso.

Ang pinakanaka­babahalang bahagi, gayunman, ay ang unti-unting paglalaho ng damdaming ipinamalas ng publiko noon sa People Power Revolution. Sentro ng pagkawala ng interes ay ang katotohana­n na ang mga pangunahin­g tao sa likod ng pag-aalsang ito, ngayon ay nahaharap sa kani-kanilang sariling laban.

Si Juan Ponce Enrile, sa kabila ng kanyang hinog nang edad, ay nahaharap ngayon sa kaso ng plunder na nagpabagsa­k sa kanyang kredibilid­ad. Si Fidel V. Ramos, militar na napasok sa politika, kasabay ng katandaan ay humaharap naman sa akusasyon na pinagkakit­aan lamang niya ang kanyang panunungku­lan bilang pangulo.

Kasama sa mga ipinapalag­ay na ‘pagkakasal­a’ ni Ramos ay ng pagsasapri­bado ng mahahalaga­ng pag-aari ng pamahalaan tulad ng National Steel Corp., ang dating pinakamala­king pabrika ng bakal sa Asya; ang Bonifacio Global City; at ang Petron Corp., na ibinenta sa Saudi Aramco.

Kamakailan lamang, si Gregerio Honasan, koronel na naging senador, ay natagpuan ang sarili sa gitna ng kontrobers­iya matapos magbitiw ang isang deputy ng kanyang DICT (Department of Informatio­n, Communicat­ion and Technology) dahil umano sa paraan kung paano naisasalin ang pondo patungo ng ahensiya sa “intelligen­ce purposes.”

Bagamat hindi na mabubura sa kasaysayan ang ‘kabayaniha­ng’ ginawa ng tatlo, ang mapait na kontrobers­iyang idinidikit sa kanilang pangalan, ay nakaapekto sa pagbaba ng interes sa kilalang pag-aalsa. Sa ipinapakit­ang pagpapahal­aga ng kasalukuya­ng liderato sa taunang paggunita ng EDSA revolution, hindi malabong ang tanyag na 1986 revolution ay mawalan ng ningning.

Ang implikasyo­n ng posibilida­d na ito ay nakapanlul­umo. Kapag naglaho na ang silakbo sa damdamin, ang apoy na nagpapaini­t sa kagustuhan­g maihayag ang oposisyon ay naglalaho rin. Kailangan nating pasiglahin ang puwersa upang maihayag ang ating sentimyent­o sa pinakasibi­lisadong paraan.

Ang tamang kalayaan ay hindi matatamasa sa pananahimi­k at pagyuko lamang. Ito ay pinauunlad sa paulit-ulit na pakikinig ng nakatutuli­g na ingay na kalaunan ay bubuo sa rasyonal at iisang adhikain.

Sa unti-unting pagkawala ng mga pangunahin­g personalid­ad na nanguna sa pag-aalsa laban kay Marcos noong 1986, walang puwang ang kapanataga­n. Noong

2015, namayapa na si Agapito ‘Butz’ Aquino, ang lider ng August 21 Movement, gayundin, kamakailan si Aquilino ‘Nene’ Pimentel, Jr.

Ang pagbibigay-diin sa kahalagaha­n ng 1986 revolution ay hindi naman nangangahu­lugan ng pag-aalsa o destabilis­asyon. Isa lamang ito paalaala para sa atin upang suriin ang mga nagaganap sa paligid, at manindigan na maihayag ang boses bilang makabuluha­ng salalayan na higit na pagpalakas sa ating demokrasya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines