R4.3-M marijuana, sinunog

Balita - - News - Rizaldy Comanda

LA TRINIDAD, Benguet – Tinatayang aabot sa P4.3 milyong halaga ng marijuana na binunot sa apat na plantasyon sa nasabing lalawigan kamakailan, ang sinira na ng pulisya kahapon.

Inihayag ni Benguet Police Provincial director, Colonel Elmer Ragay, ang nasabing ipinagbaba­wal na gamot ay nadiskubre sa magkakahiw­alay na lugar sa Sitio Lamagan, Bgy. Tacadang, Kibungan at sa Sitio Alawin, Bgy. Sagubo,

Kapangan sa nasabing lalawigan nitong Huwebes at Miyerkules, ayon sa pagkakasun­od.

Aniya, unang nadiskubre ang may 200 square meter plantation site na natatanima­n ng 1,000 fully grown marijuana.

Aabot naman sa 1,700 puno ng marijuana ang nabisto sa tatlong plantasyon sa Sitio Alawin, Barangay Sagubo, Kapangan, Benguet na nagkakahal­aga ng P4.3 milyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.