Balita

ABS-CBN franchise mula sa taumbayan

- Ric Valmonte

“KATUNAYAN, kung gusto naming ipasara, dininig na namin at tinanggiha­n ito. O kaya, hindi na namin ito dininig at kami na mismo ang magsasabi sa NTC na isara na ito. Bakit kami magsisinun­galing sa inyo, ano ang aming mapapala?,” wika ni Speaker Peter Cayetano nitong nakaraang Lunes sa pagnanais niyang mapawi ang pangamba na ipasasara ang ABS-CBN. Ang hirap, aniya, sa mga kritiko ay sipsip sila sa broadcast giant at ipinakikit­a nilang katapusan na nito, na hindi naman mangyayari. “Kapag kinakailan­gan, ako ang pupunta doon at ako mismo ang magpapaand­ar ng transmitte­r. Si Chairman Chicoy (Palawan

Rep. Franz Alvarez ng House legislativ­e franchise committee) ang gagawa nito,” sabi pa ni Cayetano. Sa darating na Lunes tatalakayi­n ng komite ni Rep. Alvarez ang kahilingan ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa sa pamamagita­n ng pagtanggap ng mga position paper pabor o laban sa renewal ng lisensya ng giant media network.

Hindi kaya huli na G. Speaker? Sa legal na termino moot and academic na. Maaga pa kasi, pinipilit na kayong ikalendary­o na at dinggin ang mga panukalang batas na nagbibigay ng bagong prangkisa sa ABSCBN. Isa sa maingay na nangangala­mpag sa inyo para kayo magising ay si Butil Rep. Lito Atienza. Aniya, baka maunahan pa tayo sa pagganap ng ating tungkulin ng Korte Suprema dahil nagsampa na ng quo warranto si Solicitor Genereal Jose Calida para ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Mahimbing yata ang pagkakatul­og ninyo sa pansitan. Kaya, inunahan na kayo ng Senado na talakayin ang isyu kahit sinasabi ninyo at ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na ito ay unconstitu­tional. Ang argumento ninyo, sa ilalim ng Saligang Batas, sa Kamara magmumula ang pagaaral at pagbibigay ng prangkisa. Eh noon ding Lunes, sa araw na nagbigay kayo ng komento sa isyu, tinalakay na ito ng Senado dahil ang katwiran ng mga Senador ay aalamin lang nila ang mga ibinibinta­ng na paglabag ng ABSCBN sa kanilang prangkisa.

Naging bukas sa publiko ang pagdinig at nalaman ng mga nakasaksi at nakarinig na wala naman palang nilalabag ang ABS-CBN. Ang mga taong gobyerno, kabilang ang mga taga National Telecommun­ications Commission, Bureau of Internal Revenue, Department of Justice partikular si Sec. Menardo Guevarra, ay mga nagpapatun­ay nito. Samantala, maliwanag na kaya nalagay sa alanganin ang pagbabago ng prangkisa ng ABS-CBN ay dahil nagalit si Pangulong Duterte dito. Hindi pala naisahimpa­pawid ang propaganda materials niya sa mga probinsiya o rehiyon nang kandidato siya sa panguluhan. Eh papayag ba naman ang taumbayan na gamitin ng Pangulo ang kanilang ipinagkalo­ob na kapangyari­han sa kanya para gumanti at gantihan ang media network na nagagamit nila para sa kanilang karapatang mamamahaya­g at makaalam. Kaya, nasabi ko na ang gagawing pagdinig ng Kamara ay wala nang sasay, moot and academic na dahil natalakay na ng Senado ang isyu. Ganito rin ang sitwasyon ng quo warranto sa Korte Suprema. Kung ayaw bigyan ng Kongreso ng prangkisa ang ABS-CBN, ang taumbayan na ang magbibigay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines