Akusado sa rape, timbog

Balita - - News - Light A. Nolasco

BONGABON, Nueva Ecija – Hindi nakapalag sa pulisya ang isang akusado sa ‘rape by sexual assault’ nang makorner sa Barangay Ariendo sa nasabing bayan, kamakailan.

Pinangunah­an ng mga tauhan ni Bongabon Police officer-in-charge Maj. Ador Depnag, ang pagdakip kay Rimer Delos Santos, 31, binata, ng nasabing lugar.

Dinampot ang suspek sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Palayan City Trial Court Branch 7 Judge Emelita Miranda-Postillo.

Itinakda ng hukuman ang P200,000 piyansa para sa pansamanta­lang kalayaan ng akusado na pansamanta­lang nasa kustodiya ng pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.