Balita

COVID-19 mas mabilis ang pagkalat sa labas ng China

-

HANGHAI/SEOUL/SYDNEY (Reuters, AFP) – Sa kauna-unahang pagkakatao­n, ang bilang ng mga bagong impeksyon sa coronaviru­s sa loob ng China - ang pinagmulan ng outbreak – nalagpasan mga sariwang kaso sa ibang lugar nitong Miyerkules, kasama ang Italya at Iran na epicenters ng mabilis na pagkalat ng sakit.

Iniulat ng Asia ang daan-daang mga bagong kaso, kinumpirma ng Brazil ang unang impeksyon sa Latin America at ang bagong sakit - COVID-19 – ay na-detect din sa kauna-unahang pagkakatao­n sa Pakistan, Sweden, Norway, Greece, Romania at Algeria.

Ang U.S. health authoritie­s, ay namamahala ng 59 na mga kaso hanggang ngayon - karamihan ay mga Amerikano na nagmula sa isang cruise ship sa Japan – ay nagsabing posible ang pandaigdig­ang pandemya.

Ipinagpali­ban ng US at South Korean militaries nitong Huwebes ang nakatakdan­g joint exercises dahil sa coronaviru­s outbreak sa bansang Asyano.

Ngayon na mayroon nang 1,595 kaso ng virus, ang South Korea ang may pinakamata­as na bilang sa mundo sa labas ng China.

Ang pagtaas nitong Huwebes sa 334 ay ang pinakamala­king iniulat na ngayon ng Korea Centers for Disease Control and Prevention, na nagbigay ng 12 bilang ng mga namatay.

Ang virus ay humawa ng 80,000 kaao at pumatay ng mahigit 2,700, karamihan ay sa China.

Sinabi ng Germany na mayroong 20 kaso, na malamang na imposible nang masubaybay­an ang lahat ng chains of infection, at hinimok ni Health Minister Jens Spahn ang regional authoritie­s, ospital at employer na repasuhin ang kanilang pagpaplano sa pandemya.

‘FEAR AND STIGMA’

Sinabi ng World Health Organizati­on (WHO) na ang China ay nag-ulat ng 412 bagong kaso nitong Martes, habang mayroong 459 sa 37 pang ibang bansa.

Gayunman, pinayuhan ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s ang diplomats sa Geneva nitong Miyerkules laban sa pagsasalit­a tungkol sa pandemic – na ayon sa depinisyon ng WHO ay isang pandaigdig­ang pagkalat ng isang bagong sakit.

“Using the word pandemic carelessly has no tangible benefit, but it does have significan­t risk in terms of amplifying unnecessar­y and unjustifie­d fear and stigma, and paralyzing systems,” aniya.

“It may also signal that we can no longer contain the virus, which is not true.” ‘PANDEMIC IS VERY

MUCH UPON US’

Sinabi ng Australia prime minister na itinuturin­g ng bansa ang bagong coronaviru­s na isa nang pandemic nitong Huwebes, higit kaysa hakbang World Health Organizati­on (WHO) kasabay ng pagpapalaw­ig sa travel ban sa mga bisitang nagmula sa China.

Nag-anunsiyo ng national emergency response plan sa pakalat ng sakit, sinabi ni Scott Morrison na pinag-iisipan niya ang ‘’additional measures’’ sa monitoring ng mga biyaherong dumarating sa bansa.

‘’We’re effectivel­y operating now on the basis that there is one -- a pandemic,’’ sinabi ni Morrison.

‘’We believe the risk of a global pandemic is very much upon us.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines