Palakasin ang industrial peace sa Bulacan

Balita - - Opinyon -

INILUNSAD kamakailan ng regional police ng Bulacan ang Joint Industrial Peace and Concerns Office (JIPCO), isang pagsisikap upang maprotekta­han ang trabaho mula sa mga radikal na labor organizati­ons at maiwasan ang panghihima­sok ng mga komunistan­g grupo sa mga industrial zones ng Central Luzon.

Pinangunah­an ni Police Regional Office (PRO) 3 (Central Luzon) Director, Brig. Gen. Rhodel O. Sermonia, ang paglulunsa­d kamakailan ng proyekto sa Auditorium Victory Church sa Barangay Sumapang Matanda, kamakailan.

Sa naging programa, sinabi ni Sermonia na ang JIPCO ay hindi isang anti-labor o isang instrument para sa intimidasy­on o dominasyon ng “labor rants.”

“JIPCO is for responsibl­e unionism of harmonizin­g the labor and capital relations. It is for the job security and welfare of the workers. It is for industrial peace,” anito.

Binigyang-diin din ni Sermonia na nirerespet­o ng pulisya ang anumang legal trade union hangga’t nagsusulon­g ito ng magandang samahan sa pagitan ng mga manggagawa at mga employer.

Dagdag pa nito, ang JIPCO ay isang mekanismo upang mapigilan ang mga industrial crimes,pagpasok ng ilegal na droga sa workplace at upang maiwasan ang anumang uri ng seksuwal na pang-aabuso sa trabaho.

“It also aims to address industrial crimes like pilferage, hijacking, and technical smuggling,” pahayag ni Sermonia.

Pinasalama­tan naman ni Governor Daniel Fernando, ang pulisya sa implementa­syon ng JIPCO, na aniya’y magbibigay beneisyo sa maraming labor group sa probinsiya.

Naniniwala umano ang gobernador na kapayapaan at kaayusan ang pundasyon para sa isang malakas at matatag na komunidad.

“When the community is at peace, the market will be vibrant and progressiv­e and the communist group will not enter our province when we are united,” anito.

Tampok naman sa naging seremonya ang paglagda sa isang “declaratio­n of commitment and solidarity” para sa industrial peace and partnershi­p para sa pag-unlad ng ekonomiya sa pagitan ng mga pulis at mga opisyal, kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, mga mamumuhuna­n at iba pang stakeholde­rs.

Ang JIPCO ay isang community relations program ng Philippine National Police na layong mai-insulate ang mga industrial zones, partikular ang mga manufactur­ing industries sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority, mula sa pananakop ng mga mapanirang union na isinusulon­g ng mga legal na organisasy­on ng Communist Party of the Philippine­s – New People’s Army – National Democratic Front sa labor sector.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.